Nag-oathtaking na kahapon ng umaga, June 28, sa Cavite ang mag-asawang sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Kasama rin nilang nanumpa ang kapatid ni Sen. Bong na si Bacoor Mayor Stryke Revilla.
Kinagabihan naman ay isang magarbong victory party para sa tagumpay ng kanilang pamilya sa pulitika ang ginanap sa One Esplanade sa Pasay City bilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanila. Present sa party ang buong Revilla family sa pangunguna ng ama ni Sen. Bong na si dating Senador Ramon Revilla Sr., na kahit naka-wheelchair ay kitang-kita mong masaya at nag-enjoy sa party.
Napuno ang loob at labas ng venue sa dami ng mga dumalo sa party na kinabibilangan ng malalaking pangalan sa mundo ng pulitika, showbiz at business. Special guest pa si outgoing President Gloria Macapagal-Arroyo na nagpanumpa kina Sen. Bong.
Ilan sa mga namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa pulitika ay sina Senators Kiko Pangilinan, Loren Legarda, Edgardo Angara, Bongbong Marcos, Miguel Zubiri; Immigration Commissioner Marcelino Libanan; Bataan Board Member Teri Onor; at Laguna Board Member Angelica Jones.
Mula naman sa showbiz, naroon sina Phillip Salvador, Ricky Davao, Annabele Rama, Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, Michelle Madrigal, Bobby Andrews, Kitchie Benedicto, at German Moreno.
Masasabi ba ni Sen. Bong na itong 2010 ay taon ng mga Revilla dahil lahat silang tumakbo sa nakaraang eleksyon ay nanalo, kasama na rin ang asawa ng kapatid niyang si Andrea "Andeng" Bautista na si Rizal Governor Junjun Ynares?
"Masaya ako dahil nanalo si Stryke, yung kapatid ko. Higit sa lahat, nanalo si Lani. Sabi ko nga, kahit na hindi ako mag-number one, manalo lang si Lani, masaya na ako. Pero ibinigay pa rin sa atin yung number one kaya talagang ang pasasalamat ko sa ating Panginoon at hindi Niya tayo pinabayaan. Pati nga si Junjun, asawa ng kapatid ko, nanalo rin. Kaya very thankful talaga kami sa pagtitiwalang ibinigay ng mga tao sa amin," pahayag ni Sen. Bong nang ma-interview siya ng PEP at iba pang press sa kanilang victory party.
MOVIE WITH BOSSING VIC. Bukod sa tuluy-tuloy na trabaho bilang Senador, balik-trabaho rin sa showbiz si Sen. Bong. Lalo na' t magiging busy siya sa paggawa ng pelikula kasama si Vic Sotto. Bago pa ang eleksyon ay ibinalita na ni Sen. Bong ang pagsasama nila ni Bossing sa isang pelikula. Pero napaulat ding hindi na raw ito matutuloy.
Ngunit kagabi sa party ay kinumpirma na mismo ni Sen. Bong na tuloy na tuloy na ang pagsasama nila ni Bossing Vic. Nagkausap na raw sila at nagkasundo ni Bossing Vic at tina-target nilang maging entry ang pelikula sa Metro Manila Film Festival sa December. Ayon kay Sen. Bong, magandang proyekto raw ito at excited na silang lahat na masimulan ang project na ito.
Paano ba nagsimula ang idea na magsama sila sa pelikula?
"Napag-usapan namin ito last December, last festival. Nag-usap kami by phone na, 'O sige, magsama tayo sa pelikula para mas lalo nating mapasaya ang mga manonood natin.' Kaya we decided to do a movie. Tapos three days ago lang namin na-finalize na itutuloy na naming gawin yung movie," lahad ng actor-politician.
Pinag-uusapan pa raw nila ang title ng movie at ilan nga sa matunog na titles ay Agimat ni Enteng o Enteng Agimat na pinagsamang titles ng MMFF movies nila in the past—Ang Agimat ni Sen. Bong at Enteng Kabisote naman ni Vic.
"Action-fantasy-comedy, all-in-one," ang paglalarawan ni Sen. Bong sa big project na ito.
Sa ngayon daw ay namimili pa lang sila ng magiging leading ladies nilang dalawa.
"Sorpresa natin yun. Pag-uusapan pa namin ni Vic. Ang masasabi ko lang, manghihiram tayo sa kabilang istasyon. Nasa Channel 7 kami ni Vic, so meron din from Channel 2. Hindi naman kasi ito dapat maging network war. Hindi ito GMA o ABS, dapat magtulungan."






Pag naka adjourn ang senado, dapat ginugugol ni Bong at Jinggoy ang oras nila sa paggawa ng mga batas na puwede nilang ipasa para mga darating na sessions ng Senado. Kung hindi man batas, sana man lang mga charity works para sa mahihirap or kahit public works man lang gaya ng pagpapaayos ng mga kalsada, pagpapatayo nga mga free clinics para sa mahihirap. Eh ano ang ginagawa nila, pelikula diba? Alam nyo ba kung ilang buwan ang inaabot sa paggawa ng isang pelikula? Pano kung ikaw ang bida, alam mo ba kung ilang oras ang shooting? Eh pano kung ikaw pa ang producer? Walang silbi si Bong bilang senador. Sana naging actor na lang siya. At least may ibang karapat dapat na senador gaya ni Risa Hontiveros-Baraquel na mas may karapatan kaysa kay Bong Revilla.
Sen. Bong Revillla is back to SENATE BECAUSE the FILIPINO VOTERS find him as a CUTE actor, NOW he confirms movie with Vic Sotto for MMFF