Gabi ng biritan sa weekly Celebrity Night ng National Press Club (NPC) sa Bulwagang Plaridel sa Intramuros, Manila last Friday, July 2, dahil special guests that night ang Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino at si Mariel Corpuz na representative ulit ng bansa sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa U.S. Lahat ng nanood, sa pangunguna ni NPC President Jerry Yap, mga opisyal ng club, mamamahayag at guests, ay labis na na-entertain sa talento ng dalawa.
Kabilang din sa mga guest performers na nagbigay kasiyahan sa NPC ay si Sofia Lee, ang star ng pelikulang East of Paradise ni Direk Deo Fajardo at Ilusyonada ni Direk Dante Mendoza, ang aktor na si Jograd dela Torre, at ang bandang The Rhythm of Three composed of Dada and Joey Cañeja and Rene Tolentino.
GRATEFUL TO FANS. Pagkatapos kumanta ni Jovit ay kinapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) upang usisain ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang manalo siya sa PGT.
"Parang ganoon pa rin naman po, kaya lang po, iba na kasi ang buhay namin ngayon. Hindi na po kasi kami makalabas ng bahay dahil bawal na po kaming gumala sa kalye.
"Kasi po, dati gumagala ako sa kalye, hindi man lang ako pinapansin ng mga tao. Ngayon, iba na po, pinagkakaguluhan na ako ng mga tao. So, hindi na rin ako puwedeng basta umalis, pero okay lang po sa akin iyon, natutuwa nga po ako sa kanila," nakangiting panimula ni Jovit na ngayon ay isa na sa talents ng Star Magic.
"Kailangan kong mahalin ang mga tao, ang fans, kasi, kung wala sila ay wala rin po ako rito. Kaya, masayang-masaya po ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Masaya ako sa ibinibigay na pagkilala sa akin ng marami," dagdag pa niya.
Two million ang premyong napanalunan niya. Mahirap bang maging milyonaryo?
"Hindi naman po. Napakasaya ko nga po dahil ako naman ang may gustong pumasok dito, e."
Sixteen ka pa lang, may girlfriend ka na ba?
"Ay, wala po, hindi pa po ako nagkaka-girlfriend," matipid niyang sagot.
Sino ang crush mo sa showbiz?
"Si Ate KC [Concepcion] po, alam naman po niya yun."
Bakit mo crush si KC?
"Kasi, napakabait po niya. Tanggap niya kahit ano ka, mahirap man o mayaman."
Nang ma-meet niya ang crush niya, "kinabahan po ako nang sobra," nakangiti niyang pag-amin.





masyado makapal ang apog mo, grabe kang manlait, i hope perfecto ang pagkatao mo. pero napakasama ng ugali mo, wala kang modo at pakundangan sa feelings ng iba, siguro adik ka...! Inggit ka lang! Dapat inaalis ang mga ganyang comment dito sa PEP...
Ano ba yan, nakakaloka ang komento mo, natawa ako bigla!
O siya para di ka na maalibadbaran huwag mo na siyang panoorin. Isang araw na lang, maayos na lahat ng ngipin niya at makinis na ang balat, pwede ka nang manood sa kanya hahahaha!!
Sa the Buzz nga yesterday kita mo kung paano siya irritated sa issue na dumalaw siya sa Subic taping ni Piolo basta kasi hindi totoo may dating sa kaniya bec. she has been true and honest eversince.
is is true na minura siya nang staff nang dos kasi na late sya sa appointment nya? kakalungkot kung totoo. ke bago bago pa lang e namura na.