Ryan Agoncillo takes on female disguise in TV5 comedy Lady Dada

Mell T. Navarro
Saturday, October 09, 2010 @ 01:59AM  |  1943 views


  Ryan Agoncillo says playing a man impersonating a woman won't affect his image as TV5's premier host. "Artista, e. I mean, you're given a role. If you wanna do it, may choice ka naman, e... 'Wag lang akong mag-bold scene! Yun, palagay ko, masisira talaga ako do'n!"

Photo By: Courtesy of TV5













Bukod sa hit talent search na Talentadong Pinoy, ang flag-carrier ng TV5, may panibagong palabas ang mahusay na host na si Ryan Agoncillo.

Siya ang susunod na magbibida sa 5-Star Specials, sa isang comedy miniseries na pinamagatang Lady Dada na magsisimula nang mapanood sa September 8, Miyerkules ng gabi.

Mula sa direksiyon ni Joyce Bernal, nasa cast rin sina Roderick Paulate, Mylene Dizon, Edgar Allan Guzman at Keempee de Leon.

FEMALE GUISE. Sa presscon ng show sa Ratsky Bar sa Tomas Morato, Quezon City noong Biyernes, August 27, sinabi ni Ryan na malaking challenge ito sa kakayahan niya bilang comedy actor dahil halos kapareho ang mga roles na ito sa ginawa nina Dustin Hoffman sa Tootsie at ni Robin Williams sa Mrs. Doubtfire.

"I'll disguise [myself] as a woman. Hindi bading, ha, kundi babae talaga. Kasi, nahihirapan ako sa pagkuha ng trabaho dito kaya para palakihin ko ang anak ko sa istorya, kailangan akong mag-work bilang babae."

Pero di tulad ng mga 5-Star Specials na ginawa nina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez at JC de Vera, sa halip na isang tema kada episode ang gagawin ni Ryan, isang tuluy-tuloy na kuwento ang Lady Dada na tatakbo lamang ng limang linggo.

Sa presscon, ibinunyag ng beteranong kolumnistang si Alfie Lorenzo, na manager din ng misis ni Ryan na si Judy Ann Santos, na may inalok noong project ang big boss ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez kunsaan pagsasamahin sina Ryan, Juday, at Piolo Pascual. Pero inayawan daw ni Ryan dahil gay ang papel niya dito.

Ang tanong ngayon ni Tito Alfie, bakit daw di niya tinanggap ang ganoong role sa Kapamilya network, pero sa Kapatid ay tinanggap niya?

Sagot ni Ryan, "Usap-usapan lang naman po yun nina Noel [Ferrer, Ryan's manager] at ng mga producers, pero wala naman talagang pinuntahan ang usapan na yun. Naririnig-rinig ko lang talaga sa kanila.

"Dito sa Lady Dada, nakakatawa ang title... This is actually one of the projects na title pa lang, solved na kami lahat. Yung character ko, hindi naman talaga siya drag queen... Gagawin niya lang ang lahat para sa anak niya.

"Napasok lang siya doon dahil sa mga circumstances na napasukan ng pamilya niya, kaya siya napilitang maging Lady Dada o lady daddy."

THE RIGHT PROJECT. Ano kayang project ang makaka-convince sa kanila ni Juday na makasama sa isang film si Piolo?

Pabirong sagot ni Ryan, "Let's burn the bridge when the bridge is there...! It has to be the right material. Alam niyo naman po kasi na ako e part-time actor lang. I'm a full-time host.

"And it took something like Lady Dada... Ito yung pagkakagawa niya. Sabi ko nga, it's one of those projects na title pa lang e solved na kami, plus the fact na Direk Joyce is directing this and si Ga [Dante Nico Garcia, best friend of Juday] is the production designer here, he's the stylist rin... Direk Ga na siya pero bumabalik siya sa pagiging production designer para sa project na ito...

"Like sina Mylene, Kuya Dick and Keempee are here... It has to be the right thing. Dapat lahat tama. Kahit sino naman, e... even if it's not with Juday or Piolo, pag in-offer-an, dapat siguro, tama ang concept."

1  2  3  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name