Very visible na naman sa mga showbiz talk shows at kahit sa news programs ang mga dati nating beauty queens. Sila ang ginagawang resource person dahil sa kanilang mga karanasan sa international beauty pageants. Mainit pa ring pinag-uusapan ang tinamong tagumpay ng pambato natin sa nakaraang Miss Universe 2010 na si Maria Venus Raj na itinanghal na fourth runner-up. (CLICK HERE to read related story.)
Isa nga sa pinakasikat at kontrobersiyal nating beauty queens ay si Miss International 1979 Melanie Marquez, kaya siya napiling maging guest sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi kahapon, August 29. Dito'y co-host ang dati ring beauty queen na si Ruffa Gutierrez, kasama sina Cristy Fermin, Mo Twister, at Dolly Anne Carvajal.
Pinag-usapan sa nakaraang Miss Universe ang sagot ni Venus sa tanong ng judge na si William Baldwin: "What is one big mistake that you made in your life and what did you do to make it right?" Kaya naman ito agad ang ipinasagot ni Ruffa kay Melanie.
"For me, you know, when I ran away from home and then I realized that without a mom, I always make a lot of mistakes in life. So, that is the time that I realized that my mother is so important beside me," ang confident na sagot ni Melanie.
FUNNY REMARKS. Nakilala rin si Melanie dahil sa kanyang nakatutuwang English remarks, gaya ng "Don't judge my brother because he is not a book;" "Why should I have a calling card, I'm not a call girl" and "I don't eat meat, I'm not a carnival."
Sinasadya niya ba ang pagsasalita ng ganoon?
"Natural yun," sagot ni Melanie.
Dinepensahan din ni Melanie ang nakatutuwang sagot niya sa question-and-answer portion sa Binibining Pilipinas beauty pageant noong 1979: "I won't change my legs. Because I'm contented with my long-legged."
"Kasi naman, 15 [years old] lang ako," sabi ni Melanie. "Nung tinanong sa akin ni Eddie Mercado [host] na, 'Are you willing to change your legs with the one million insured legs of Angie Dickinson [American actress]?' Sabi ko, 'No, because I'm contented with my long-legged'. Pero win pa rin, di ba?"
MORE BEAUTY PAGEANT QUESTIONS. Sinagot din ni Melanie ang iba pang mga intriga at katanungan sa kanya ng mga press people na naroon sa "Presscon Express" segment ng TV5 showbiz talk show.
Unang tanong nga sa kanya ay dahil naging trainor siya ni Ruffa noon, kung siya ang naging trainor ni Venus, ano ang ituturo niya rito at bakit?
"Alam mo sa totoo lang, wala na akong ituturo sa kanya, e," sabi niya. "Because she has this personality and I'm so impressed with the way she carried herself sa Miss Universe.
"Yung kanyang question is very personal. Kahit naman sino, magdadalawang-isip doon. Pero let's face it, sinagot naman ni Venus yung question. Yun lang talaga, siguro sanay lang siya sa mga bonggang-bongga."
Sa tingin niya ba, dapat may interpreter na ang kandidata ng Pilipinas?
"Dapat," mabilis na sagot ni Melanie. "You know what, marunong namang mag-English 'yang mga 'yan [ibang candidates from other countries]. Nag-i-interpreter...gumagamit sila ng mga ganyan para magkaroon sila ng a lot of time para makapag-isip. Tapos pag matalino pa yung kanyang nakuha [interpreter], pinapaganda yung phrase."






Wala pong salitang quot;trainorquot;. Ang tama po ay quot;trainerquot;. Regards,
basta goodluck na lang ms.venus.
now its venus time to shine.
move na sa major major issue.so much has been said. na kay miss mexico na ang corona.
sour graping ka na naman..eh Gma nagoffer din sigurado kay venus..bakit mo sasabihin na ang bilis ng dos mag offer? kung syete ang nanalo sa offer ano naman masasabi mo? unghang. lol
pero san ba madalas lumabas si venus after the pageant? di ba sa gma? ang gma ang nagbayo, ang abs ang umani.
o well sana mabigyan talaga sya ng magandang break at wag sanang mangyari sa kanya ang nangyari kay angel locsin na pagkatapos piratahin, pinatulog ang career. mabuti na lang at may commercial endorsement pa sya, if not, matagal na syang napalis sa showbiz.