Ilalabas na ngayong September ang miniseries ni Ryan Agoncillo sa TV5, ang Lady Dada. Kuwento ito ng isang tatay na napilitang magdamit-babae at maging impersonator para sa kanyang anak.
Sa trailer ng Lady Dada, na ipinakita sa presscon nito last August 27, may mga eksenang nakadamit-babae at kuntodo makeup si Ryan. May mga eksena rin siyang naka-costume at drag makeup na mala-Lady Gaga, kasama ang co-star niyang si Keempee de Leon.
Marami raw pinagdaanan si Ryan para magampanan ang character nito, gaya ng pagsusuot ng six-inch heels, dalawa hanggang tatlong oras na makeup, pagpapa-wax ng kanyang mga balahibo sa legs at kilikili, at ang pagta-tuck in o pag-iipit ng kanyang kaselanan.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ryan during the presscon, sinabi niyang pinakamahirap na parte ng taping niya dito ay ang "pagta-tuck in" ng kanyang pagkalalaki.
"Masakit, e!" natatawa niyang sabi. "Hindi ka makalakad nang tama!"
Ipinaliwanag sa amin ni Ryan kung bakit hindi siya nakipag-compromise na dayain na lang para hindi na niya gawin ang pag-iipit ng kanyang pagkalalaki.
"No, I really wanted to try," sabi niya. "Kasi nong nakita ko yung costumes na inihanda ni Ga [Dante Nico Garcia, costume, at production designer ng serye niya] parang ano kasi... Siyempre, binubuo namin yung gagawa ng Lady Dada, choices on board. Then, unanimous yung choice na si Ga ang production designer.
"Medyo few days later, na-realize ko na, oo nga pala, I'm subjecting myself to my wife's best friend and they're very demanding directors, both of them [Dante Garcia at Joyce Bernal], tapos paglalaruan ako. Parang ano na ako, commit na, commit na to the project.
"May mga eksenang winax ako, yung kilikili ko, yung legs ko. Hanggang doon. Tapos yun nga, yung pagta-tuck in. I knew it, I knew it na gagawin ko yun." lahad ni Ryan.
Hindi raw nahirapan si Ryan sa pagdadamit-babae, pagme-makeup, o maging sa pagwa-wax. Tanging yung pagta-tuck in lang daw ang bukod-tanging nagpahirap sa kanya.
"Yung waxing kasi... Well, sa legs marami, pero hindi naman masakit kasi tolerable naman yung pain. Yung sa kilikili, nakikiliti ako. The pain was bearable.
"Yung tucking in is unbearable, pero it's unnatural na parang pinalakad mo akong paatras!" tawa ni Ryan, na sumusumpang hindi na niya gagawin ito uli. Nakipag-usap na rin siyang gumawa na lang ng paraan para hindi makita sa kamera ang bukol sa kanyang harap.
REACTION OF YOHAN & JUDAY. Bukod sa mga tao sa set, ang iba pang nakasaksi sa pagbabago ng hitsura ni Ryan ay ang adopted daughter niyang si Yohan at ang asawang si Judy Ann Santos.
"Well, she's a very intelligent kid so she knew it was for a role," sabi ni Ryan tungkol sa reaksiyon ni Yohan. "'Oh, my God! You're Lady Dada! You're Lady Gaga!' Not much explaining was done. It's just that, of course, you have to remind her na, 'Sweetheart, this is just pretend, ha?' 'Yeah, that's for your role, that's for your work, 'no?' Okey naman. Alam naman niya na... It's like na pag ako nag-amerikana, for Talentadong Pinoy. 'Eto, nag-wig ako, para sa Lady Dada. Ganun ang pagkakaintindi niya.
"Si Juday naman, e, parang na-shock siya na ginawa ko at all. She never thought na I'll subject myself to that. Kumbaga, nagawa kong magbihis-babae noon sa ABS sa isang episode doon, hindi niya alam na itotodo ko dito. Medyo tumodo kasi ako dito. Natawa rin siya. Naaliw siya, e. Parang, 'Ano ba ito? Ano ba itong ginagawa mo?'"






gudluck 2u..
:
the best ka sa EB