Pagkatapos maging suporta sa ilang top Kapuso stars, finally ay pinagkatiwalaan na ng GMA-7 si Glaiza de Castro upang magbida sa isang primetime series—ang fantaserye na Grazilda. Ginagampanan dito ni Glaiza ang title character, na isa sa mga stepsister ni Cinderella (played by newcomer Gwen Zamora), na mapapadpad sa totoong mundo nang isuot niya ang mahiwagang sapatos ni Cinderella.
Hindi nakuha ni Glaiza ang anumang meron siya ngayon nang madalian. Lahat ay pinaghirapan at pinagtiyagaan niya talaga.
Siyam na taon na sa showbiz si Glaiza. Inilunsad siya bilang teen star sa pelikulang Cool Dudes 24/7 ng Regal Films noong 2001, kung saan nakasama niya sina Cogie Domingo, James Blanco, at Danilo Barrios.
Nagkaroon siya ng bit role sa GMA-7 soap na Ikaw Lang ang Mamahalin noon ding 2001. Pero pagkatapos nito ay naging talent siya ng ABS-CBN sa loob ng tatlong taon, from 2002 to 2005, kung saan ginawa niya ang mga TV shows na Berks, Spirits, at Ikaw ang Lahat sa Akin.
Noong 2006 ay bumalik siya sa bakuran ng Kapuso network at ang una niyang naging regular TV show ay ang Fantastikids, kunsaan gumanap siyang leading lady ng yumaong si Marky Cielo. Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang projects ni Glaiza, gaya ng Asian Treasures, Boys Nxt Door, Kamandag, Kaputol ng Isang Awit, Dear Friend Presents Igorota, at Gagambino.
Ngunit higit na nakilala ang husay ni Glaiza sa pag-arte nang gumanap siyang kontrabida sa mga sumusunod na GMA-7 shows: Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, Stairway to Heaven, at Diva.
THE LONG WAIT IS OVER. At ngayon nga ay isa nang ganap na bida si Glaiza dahil sa Grazilda.
"Napakatagal," sambit ng 22-year-old actress nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
"Pero ako naman, siyempre," patuloy niya, "although naghahangad ako ng consistent na project, hindi naman ako yung naghihintay na katulad ng ganito. Yung title role ako. Yung ganito kalaki yung project na mapupunta sa 'yo.
"Para sa akin, too soon. Kasi, parang hindi pa ako sanay sa mga transformation, transition na ginagawa ko. So, parang ako, overwhelmed pa rin ako hanggang ngayon. Pero thankful ako sa lahat."
Kung ipinagkatiwala sa kanya ng network ang isang ganito kalaking project, masasabi ba niyang hinog na siya para magbida?
"Hindi ko masasabi yun, e," sagot ni Glaiza. "Sa akin.kasi, habang nandito ako, learning process, e. Hindi ko puwedeng tuldukan na kaya ko nang lahat. Kumbaga, it's for me to find out kung kaya ko bang talaga o hindi."
Bakit may kaba pa rin siya kung magagawa niya ang api-apihan role to think na bago siya nagkontrabida ay gumanap na rin siya ng mga ganitong klaseng roles noon?
Paliwanag ni Glaiza, "Siyempre, every role kasi, iba. Hindi naman yung character ni Eunice [her role in Stairway to Heaven], mapa-pattern ko sa character ni Tiffany [Diva]. Siyempre, dapat iba-iba.
"And, kailangan mo na maraming pinaghuhugutan. Hindi lang sa mga emosyon, kung hindi kung paano mo bubuuin ang character mo. At ako, siyempre, nando'n pa ako sa stage na nangangapa pa ako, e.






dagdagan ko ng 1 pound ang piso mo para je Eron ng makabili ng kausap hahaha!!
Kawawa alone sya dito eh, right dapat wag sya dito mag post na comments na puro ka cheapan!!
Basta I will watch this!!
and solid kapuso
papanoorin namin ito
ang GANDA pa nya.. HIT yang palabas nya for sure.. even mga kapamilya kong classmates pinaguusapan na.. papanuorin daw nila.. hehe..
CONGRATS GLAIZA.. you DESERVE IT..
voiceoflondon
i believe with GMA talents daw o
NAKU HA! super grammar epic fail. simula pa lang.
idol sa pagka massacre ang shows ng abs.
LOL
I advice u Enron to stay away.. Ikaw din nag iisa ka Lang Baka ma tsugi ka kasama ang station mo!! Or maybe si gabby lopez ka???
Wag ng bitter ang ISA dito na nega ang comments palagi!! Nag iisa ka Lang if u noticed, kami we support Kapuso kaya stop ka na sa pag post ng bad comments Baka ikaw din ma RIP ka with ure abs cbn
its about time na bigyan si glaiza ng break kasi magaling siya
Enron
September 8, 2010
19:03 PM
alam mo bago pa na bangkurado ang ENRON, ang meaning na ng GMA ay Greater Media Arts.
Enron
September 8, 2010
18:42 PM
ipag tanong mo sa rank and file ng abs-cbn kung anu sahod nila. minimum, tinitipid ng network na malaki ang kinita noong nakraang H1.
Mukhang Guilty!!! Truth hurts di ba!!!
Ur digging the past And so do I!!!
Keep ur composure or else may pasabog pa!!!
Ha! Ha!