Rio Locsin embraces supporting and villain roles gracefully

Bong Godinez
Thursday, September 09, 2010 @ 02:52AM  |  791 views


  Seasoned actress Rio Locsin has worked with Grazilda lead star Glaiza de Castro in the past. The two were part of the cast of GMA-7's 2007 show Boys Nxt Door.   "Ngayon mas may kumpiyansa na siya," Rio said about Glaiza. "Tsaka napakagandang break nito para sa kanya and makikita mo talaga 'yong confidence niya ngayon on screen, importante kasi 'yon."

Photo By: Noel Orsal













Wicked stepmother ni Cinderella and papel na gagampanan ng seasoned actress na si Rio Locsin sa bagong GMA-7 fantaserye na Grazilda.

Matilda ang pangalan ng character ni Rio at siya rin ang tumatayong nanay ni Grazilda sa mundo ng Fantasia.

"Something different for me kasi naka-costume kaming lahat, 'tapos mga bagong kasama na naman, mga young blood.

"Pero kami nila Joel [Torre] kasi, parang reunion 'to from Gulong ng Palad [ABS-CBN's 2006 drama series], tapos magkakasama kami ulit pero ibang estasyon nga lang," nakangiting bungad ni Rio.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na aktres sa presscon ng Grazilda, noong Martes, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center sa Quezon City.

Pangunahing adjustment daw para kay Rio ang pagsusuot ng gown, na hinihingi siyempre ng mala-fairy tale sa mga karakter nito.

Wala rin namang problema kay Rio ang maging kontrabida onscreen dahil nasubukan na rin naman niya ito dati.

Sabi ni Rio, "Masaya nga maging kontrabida kasi parang marami kang puwedeng gawin. Kung api ka lang, iiyak ka lang.

"Pero 'yong kontrabida, maraming kulay, maraming aspeto. 'Tsaka kahit anong gawin mo, puwede. Dun sa bida at inaapi, kailangan nakakaawa ka lang all the way."

REMINISCING OLD TIMES. Taong 1979 nang magsimulang pasukin ni Rio ang mundo ng show business.

Sexy ang unang naging image ni Rio, sa pelikulang Disgrasyada ng Regal Films, subalit di kalaunan ay nakilala rin siya bilang isang magaling na serious dramatic actress.

Ilan lamang sa mga pelikulang ginawa ni Rio ay ang mga sumusunod: Ina, Kapatid, Anak (1979); Bira, Darna, Bira! (1979); City After Dark (1980).

Unang Yakap (1980); Tinimbang ang Langit (1982); Haplos (1982); Gamu-gamo sa Pugad Lawin (1983).

Soltero (1984); Working Girls (1984); Kay Dali ng Kahapon, Kay Tagal ng Bukas (1985).

Bilanggo sa Dilim (1986); Kailan Tama ang Mali (1986); Mula sa Puso (1999); Bayaning Third World (2000); at marami pang iba.

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name