Edu Manzano: Back to hosting, but no more acting

Rey Pumaloy
Wednesday, September 15, 2010 @ 02:26PM  |  50 views


  "You know, I think if you get to a certain number of years in the business... medyo limitado na ang mga roles na available sa iyo, e. Yung mga gusto mong mapunta sa iyo, maaring hindi nababagay," says Edu Manzano on acting.

Photo By: Mark Pimentel













Sa Sabado, September 18, na ang pilot telecast ng Asar Talo, ang unang show ni Edu Manzano sa kanyang pagbabalik sa GMA-7. Isa itong kakaibang game show na dinevelop ng Kapuso network.

Ito ang unang show ni Edu matapos siyang umalis sa ABS-CBN, kung saan namalagi rin siya ng walong taon.

Ang huli niyang mga programa sa Kapamilya network ay ang game show na Pilipinas, Game KNB? at ang daily morning show na Umagang Kay Ganda.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Doods, palayaw ni Edu, last September 9 ay isiniwalat niya na ikinunsidera rin niya ang offer ng ibang istasyon maliban sa GMA-7.

"Gusto rin nilang mag-develop ng mga game show. Pero we said... Binigyan nga namin sila ng time, kaya lang wala silang ma-pitch kaagad.

"E, sa Channel 7, may programa na sila, saka binigyan din ako ng laya.

"May talk show din ako. Yung Not So Late Night With Edu, parang gano'n din, ibabalik namin," sabi ni Edu na ang tinutukoy ay ang dati niyang late night talk show sa GMA-7 noong mid-'80s.

Dagdag niya, "And then, may dini-develop pa rin kaming isa. So, nice yung arrangement namin.

"Bale, tatlo ang gagawin kong shows. 'Eto ngang Asar Talo, and then yung talk show, at yung isa pang dini-develop na parang magiging baby ko. 

"Three years ang contract ko with GMA-7."

Tumanggi muna si Edu na magbigay ng detalye sa ikatlong show na gagawin niya sa Kapuso network dahil confidential pa raw ito.

Ipinaliwanag ni Doods na inalok sa kanya ang Asar Talo noong panahong hindi niya alam kung anong offer ng istasyon ang tatanggapin niya.

"Nung nasa limbo ako... yung ibang istasyon nagpi-pitch ng ibang show. 

"Yung iba, gustong pumirma muna ako. Sabi ko, huwag munang pumirma, show muna. 

"Kung pumirma na ako, tapos wala kayong maibigay na show sa akin, nakatali na ako sa inyo, mabubulok na ako. 

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name