Sa panayam kay Kristoffer Martin ng ilang reporters sa press conference ng Reel Love presents Tween Hearts noong September 20, tila nalagay sa alanganing sitwasyon ang tween star nang tanungin kung gusto ba niyang maging katulad ng Kapamilya actor na si Enchong Dee.
Nagtawanan kasi ang mga kaharap niyang reporters nang mapasagot ang binata na ayaw niyang maging isang Enchong Dee, lalo na nang mabanggit nitong ayaw niyang mapagtsismisan din siyang isa siyang bading.
Lumabas sa ilang tabloid ang sinabi ni Kristoffer, kaya gusto ng binatilyo na linawin ito, bago pa siya pag-initan ng mga fans ni Enchong.
"Naku, ayaw ko na po palakihin yung issue. Baka awayin pa ako ng fans ni Enchong Dee," bungad nga ni Kristoffer nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong September 26, sa GMA-7 Building.
"Wala naman kasi akong masamang ibig sabihin nang sabihin ko yun," patuloy ni Kristoffer. "Sabi ko kasi bukod sa pag-aartista, varsity swimmer din ako sa school namin sa St. Joseph sa Olongapo City.
"Kaya tinanong ako kung gusto ko raw rin ba maging katulad ni Enchong Dee, kasi varsity swimmer din siya ng school nila.
"'Tapos sabi ko , 'Anong maging?' 'Tapos natawa sila. Kaya sabi ko, 'Ayoko. Kasi, di ba, natsitsismis siyang bading?' tanong ko sa kanila. 'Tapos natawa sila ulit.
"After ko sabihin yun, sabi nila, 'Hala isusumbong ka namin kay Enchong!' Hindi ko naman po inaakala na lalabas po yun. Totoo naman po, di ba, natsitsismis siyang ganun? Kaya ayoko namang matsismis na bading. Pero wala naman akong masamang ibig ipakahulugan dun.
"Wala naman pong lalaking gustong matsismis na bading, di ba?" tuluy-tuloy na paliwanag ni Kristoffer.
"Pero kung acting at acting po ang pag-uusapan, saludo ako kay Enchong, kasi marami na siyang napatunayan pagdating sa acting dahil magaling siyang actor. Kaya naman po hindi siya nawawalan ng project sa ABS-CBN dahil magaling siyang artista."
Maging sa pagiging swimmer ay hanga rin daw si Kristoffer kay Enchong.
"Kung tungkol sa naabot niya sa sports na swimming, gusto ko ring makapaglaro sa international [competitions] kagaya niya, at manalo. Dahil sa local swimming events pa lang ako naglalaro at sinusuwerte namang nanalo kahit papano. Bukod sa marami na siyang napanalunang medals. Ako, konti pa lang."
Malaki raw ang paghanga ni Kristoffer kay Enchong kaya't nais na lamang niyang huwag nang palakihin ang nabanggit niya sa harap ng mga umiinterbyu sa kanyang reporters sa presscon ng Tween Hearts.
"'Wag na lang po nating palakihin yung issue, kahit hindi pa kami nagkikita ni Enchong alam kong mabait siyang tao katulad ng mga naririnig ko tungkol sa kanya."
Ipinalabas na ang Tween Hearts nitong nakaraang Linggo, September 26. Balitang mataas ang nakuha nitong rating. Ano ang masasabi niya rito?






hindi kc kilala ang mga starletz nila
by the way marami palang Grocery Bags na naglabasan
nakalagay na print sa grocery bag GMA_Nielsen
look si ian de leon hindi sikat
si kristoffer peralta hindi sumikat
atbp
dapat unique... kristoff martin na lang
Natawa talaga ako sa sagot ni Kristoffer.
GMA7 - numero Uno!
Tama naman ang sabi niya, sino nga bang lalaki ang gustong ma-tsismis na bakla?
Enchong seems confident of his sexuality kaya di naman nagre-react sa mga ganyan.
si krsitoffer pwedend mging ka love triangle nila joshua at barbie. pede din sila ni barbie mag partner ehh .