Maxene Magalona knows how to tell Dominic Roco apart from twin brother Felix

Nora V. Calderon
Friday, October 01, 2010 @ 08:35PM  |  54 views


  "Kilalang-kilala ko si Dom. He has a bigger body than Felix. Quiet din siya, pero sa akin, makulit siya. Comfortable na kasi kami sa isa't isa," Maxene Magalona says about how she distinguishes rumored boyfriend Dominic Roco (inset above) from his twin brother Felix.

Photo By: Maxene (GMA-7), Dominic and Felix (Noel B. Orsal)













Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang inimbitahang showbiz press na naka-wedding gown si Maxene Magalona sa set ng Trudis Liit kahapon, September 30, sa Lake View Hotel, Aguinaldo Highway, overlooking Taal Lake.

Para sa eksena niya iyon as Ched na ikakasal sa isa sa dalawang leading men niya, played by Mike Tan as Migs at Ian Veneracion as Ronnie.

Hindi na muna ire-reveal ng PEP kung kanino nga napunta si Ched. Kumustahin na lang natin kung ano nga ba ang nararamdan ngayon ni Maxene sa pagtatapos na ng Trudis Liit.

"Nakakalungkot," banggit muna ni Maxene. "Naging very close kami talaga with each other after five months na magkakasama kami halos araw-araw. 

"Lalo na si Trudis [Jillian Ward], siya ang energizer bunny namin. Siya ang panggising namin, lalo na kung medyo inuumaga na kami ng taping. Very close kami ni Trudis kasi ako ang tagapagtanggol niya lagi sa show."

STRONG FRIENDSHIP WITH PAULEEN. Kung very close sila ni Jillian, ganun na rin ba sila ni Pauleen Luna? Masaya na ba siya na naayos na ang naging problema nila noon?

"Nakakatuwa nga po, kasi ayos na ayos na kami ni Pauleen, at dito sa taping, nabuo ang strong friendship namin ni Pauleen, ni Tita Gina [Alajar], dahil lagi kaming magkakasama sa bahay na gamit namin sa taping. Mami-miss kong lahat iyon.  Hopefully, magkasama-sama ulit kami sa susunod na projects namin."

Napansin namin na marunong na siyang umiyak ngayon, lalo na kung heavy drama ang eksena niya sa Trudis Liit.

"Opo, kung noon naging problema ko talaga na hindi ako marunong umiyak, ngayon madali na lang. Siguro dahil nahahasa na rin ang acting ko. Marami na rin akong experiences sa mga nagawa kong soap. Marami na akong pinaghuhugutan ng emosyon," pagmamalaki ni Maxene.  

ALL KAPUSO. Ano ang feeling niya na halos nasa Kapuso network na silang magkakapatid–siya, si Elmo, si Sab, at si Arkin?

"Nakakatuwa nga po. Si Kuya Frank na lang ang ayaw pasukin ang showbiz, saka ang bunso naming si Clara who's only nine years old. Mahiyain kasi si Kuya Frank, pero dahil Fine Arts siya, tumutulong siya sa pagdi-design ng T-shirts na family business namin. 

"Si Sab, nag-audition na iyan for a role sa Grazilda pero hindi siya nakuha dahil masyado raw bata ang face niya for the role. Pero ngayon, nag-audition ulit siya sa Koreana at nakuha siya. Siya ang kontrabida ni Kris [Bernal]. Nag-start na rin silang mag-taping. 

"Si Arkin naman, noon pa 'yan lumalabas sa GMA-7, batang Dingdong Dantes, pero nakakatuwa kasi marunong na rin siya talagang mag-rap, nakikipagsabayan na siya kay Elmo.

"Wish ko nga po na magkaroon kami ng isang project o isang TV show na magkakasama kaming apat.  Pero I'm here to guide and support them, to give advice. Feeling ko, iyon ang role ko ngayon. 

"Our mom [Pia Magalona] is our manager at noong ako pa lang ang nag-aartista, nariyan si Papa [Francis] na siyang nagga-guide sa akin, nagbibigay ng advice. Ngayon ako naman sa mga kapatid ko."

1  2  Next »

Related Articles

24 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name