Dahil isang beauty queen ang ginagampanan ni Iza Calzado sa bagong primetine series ng GMA-7 na Beauty Queen—na magsisimula ngayong gabi, October 18—tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sakaling siya ang nasa lugar ni MariaVenus Raj during the question-and-answer portion sa nakaraang 2010 Miss Universe pageant, ano kaya ang isasagot ni Iza sa katanungang: “What is one big mistake you made in your life and what did you do about it?”
Matatandaang naging instant hit ang phrase ni Venus "major-major" na bahagi ng sagot niya.
Sabi ni Iza, "Mahihirapan din, pero may sagot ako... I would say, the biggest mistake in my life is that I never gave my mom more time and more love when she was still alive.
"Sadly, I cannot do anything to bring back that time and correct it. So, I can only make amends by trying to love her and, you know, always have her in my mind and love my family no matter what."
Nineteen years old si Iza nang pumanaw ang kanyang Irish-Spanish-Filipino mother na si Mary Ann Ussher. Ang ama naman niya ay ang choreographer na si Lito Calzado.
Bakit nasabi ni Iza na hindi niya nabigyan ng "more love and time" ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito?
"E, basta, hindi ko lang nabigay yung... Sa amin na lang yun, bakit kailangang i-explain lahat?
"Basta 'yon, hindi ko lang nabigyan ng oras, alam mo yun? Siyempre, hindi naman perfect ang mga families, mga buhay natin. Kanya-kanya po tayo ng soap opera sa buhay natin, di ba?
"Hindi ko lang naibigay yung sa tingin kong... Kasi, ano ba yung tama, ano ba yung dapat? Hindi ko rin alam, pero I just wish I have given her more," saad ni Iza.
PASAWAY. Rebelasyon para sa amin ang mga sumunod na ipinahayag ng aktres, lalo na nang aminin niya na "pasaway" siya noon.
"Oo...talaga! Pasaway din sila, e. Pasaway kaming lahat, buong pamilya namin," sabi niya.
"Hindi, I mean, you now, this is real life. There are no perfect parents, there are no perfect children. You can only improve and work on what you learn from your experiences.
"Nung college nga, I was barely going to school. Alam mo yung talagang I really had no focus."
Gala siya nang gala?
"Hindi naman masyadong gumagala, tumatambay lang," sabi ni Iza.






i was impressed with the pilot of BQ! congrats!
natawa ako sa sagot niya.
napakaganda talaga ng pilot epi kagabi.
the best pilot episode ever.
gma has never stop amusing me with their telebabad shows.
from ilumina to bantatay to grazilda then beauty queen.
galing ni lovie poe dun ha infer.
using_pinoy
October 19, 2010
08:51 AM
mannequin, umayos ka sa mga posts mo. lumalabas ang pag ka squatter mo.
-hayaan mo at bitter lang yan kasi walang magandang shows sa kanila...NO BUDGET kasi haha...
cheers also to direk joel!
ang galing ni lovi poe.
nag level up na xia.