Tila iniwanan na ni Hayden Kho ang madilim niyang nakaraan sa launch ng Hayden, ang kanyang bagong perfume business noong Huwebes ng gabi, October 22, sa Nuvo, Greenbelt 2, Makati City.
Noong nakaraang taon, nalagay si Hayden sa matinding kontrobersiya matapos kumalat sa Internet ang ilang mga sex video na nagtatampok kay Hayden at sa iba't ibang mga babae, kasama ang sexy actress na si Katrina Halili.
Nag-file si Katrina ng criminal case laban kay Hayden. Nagkaroon pa ito ng Senate investigation kung saan ilang oras ding nilagay sa hot seat si Hayden sa harap ng ilang mambabatas na interesado umano sa kaso.
Natanggal din ang lisensiya ni Hayden bilang doktor, at tuluyan na rin siyang nawala sa mundo ng showbiz. May mga umugong na balitang nagtangka raw magpakamatay si Hayden.
ANG PAGBABALIK NI HAYDEN. Itinuturing na malaking event ang naganap na launch ng perfume business ni Hayden dahil ito ang unang pagkakataon na muli siyang humarap sa publiko isang taon matapos magsimula ang iskandalo.
Sa katunayan, grand entrance ang naganap na pagpasok ng dating cosmetic doctor-model-actor sa naturang event. Ganap na 8:30 p.m., umugong ang tunog ng drums sa venue habang may isang moving platform na naghatid kay Hayden sa tuktok ng hagdan na nasa stage. Nakatutok kay Hayden ang spotlight habang dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan. Tuloy-tuloy naman ang palakpakan ng mga nanonood na bisita.
Tumutulo man ang kanyang luha, nakangiti pa rin si Hayden habang nagkukuwento sa kanyang mga bisita.
Pahayag niya, "The thing is, a few years ago, I got myself into trouble. I faced the darkest moment of my life. And it was very, very difficult for me... But then again there's a saying, 'Every cloud has a silver lining...'
"I'm the type of person who's very kinesthetic. You know, I'm never satisfied with just looking at things. I always feel compelled to touch and smell things. I guess that's what got me into trouble before."
Pinaliwanag din niya kung bakit ang paggawa ng pabango ang naisip niyang gawing negosyo.
"When I was in med school, I read a scientific study that fragrance is linked to emotions. I became intrigued and I wanted to know why. But I had too many things to study and I kinda put that on the back burner. And then there was my medical career... and then my showbiz career, and things got chaotic...
"What I wanted to do was to find a new inspiration. I wanted something that could excite me, something very special. I wanted a fragrance like that... I guess when I couldn't find it, I decided to make it myself," saad ni Hayden.
Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ng launch, sinabi ni Hayden na noong January pa niya naisip pumasok sa naturang business.
"It took us a while kasi ayoko talagang pumasok nang walang alam, e. Yung mga ilalabas naming fragrances, talagang iba-iba. Ayoko yung okay na 'yan, okay na 'yan," he said.
Pumunta pa raw si Hayden sa France para pag-aralan ang perfume-making.







Ma-papanis lang itong pabangong ito sa shelves unless ipamigay. I dont think anyone wants to smell like Hayden sa totoo lang.
Ang alam ko the French have very strict rules about using their terms. They dont allow companies to loosely use the terms Haute Couture, etc unless there is a specific number of tradesmen and apprentice within. Every country has their own rules. Maski Australia - you need to have the green mark logo for it to be recognized as Australian Made. Hindi naman ipanganak si Hayden sa Paris - so why is he using it. As I said in my earlier post 63 - this even complicates matters.
Nevermind marami namang pera si Mama Cougar para sunugin. And this fact adds more fuel to the seemingly distant behavior of her kids towards toy boy. Can you blame them? Its bad enough that their mother is being ridiculed and called names. It is worse that she is burning their
gosh may bibili kaya nyan. sana ibang name na lang baka bumili pa ko...... ang ganda pala kung saan sha nagaral amp; mix sa paris.
gosh may bibili kaya nyan. sana ibang name na lang baka bumili pa ko...... ang ganda pala kung saan sha nagaral amp; mix sa paris.
misskopinas
ahhh hahaha...anong amoy nyang mga yan?
yang cougar scent, sabi ni bisdak ako amoy alcampor daw hhahaha
eh yang careless whisper scent? palagay ko smells of mixture of pawis and amoy ng carpet sa mumurahing hotel
yang Ancient Lover, sure yan amoy efficascent oil at salonpas
at yang Toy Boy scent amoy alam mo na hahahaha
Baka kasi makarami din sila tulad ni Hayden lol!
dapat nagpatayo na lang siya ng video shop kesa sa perfume pa siya nag business eh amoy na amoy naman ang kalaswaan ng walanghiyang lalaking ito.hmp!