Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote na ang final title ng pelikulang pagsasamahan nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto.
Co-produced by GMA Films, Imus Productions, M-ZET Productions, APT Entertainment, and OctoArts Films, this is an entry to the 2010 Metro Manila Film Festival.
Sa set visit ng pelikula sa Tanay, Rizal noong Sabado, October 30, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang action star.
Ayon sa actor-politician, umuupa siya ng isang villa malapit sa kanilang set kapag wala siyang pasok sa Senado at tuwing may shooting siya para hindi na siya mahirapang magbiyahe mula sa bahay nila sa Ayala, Alabang.
WORKING WITH VIC. Paano nabuo ang istorya ng pelikula nila ni Vic?
"Natuwa kami nang mapagsama ang story ni Agimat at ni Enteng Kabisote," simula ni Bong Revilla. "Nag-meet kami, grupo ni Agimat at grupo ni Enteng Kabisote.
"Pinag-usapan namin na since lagi naman kaming nagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood tuwing festival, bakit hindi kami magsama sa isang movie, bilang pasasalamat na rin namin sa mga sumusubaybay sa story ni Agimat at ni Enteng Kabisote.
"Kaya two-in-one movie ito. Kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Agimat at kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Enteng Kabisote, makikita nila dito. Parehong may action, adventure, comedy, love story.
"Nagpapasalamat kami sa mga writers naming sina Bibeth Orteza at RJ Nuevas," banggit din niya.
Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ni Vic?
"Dito, parang hindi kami nagtatrabaho, para lang kaming naglalaro. After ng take, lalo na doon sa magkasama kami ni Vic, tawanan lang kami nang tawanan.
"Biruan kami lalo na doon sa mga eksenang pareho kaming naka-harness. Mahirap, pero kaming dalawa talaga ang gumawa ng mga eksena.
"Lalo na 'yong laban naming dalawa, kami talaga 'yon, para hindi na kami gumamit ng chroma."
Bakit pumayag siyang mauna ang billing ni Vic sa kanya?
"Hindi problema sa akin ang billing," sabi ni Senator Bong. "'Saka kung iku-consider ang seniority, si Vic talaga ang dapat mauna sa akin.





may punto ka. haha!!
Magagawa nyo talagang masaya kung libre sa sine ang mga bata, mga magulang at iba pang adults lang ang may bayad.
Hindi si Dina yun. Si Rosanna Roces.
more power kapuso.
bet rin namin na manalo best actress si jenn and best actor naman si dennis trillo for ROSARIO