Opisyal na ang usap-usapan—sina Noli de Castro at Korina Sanchez na nga ang magiging news anchors ng TV Patrol, ang long-running primetime newscast ng ABS-CBN.
Ayon sa report ng ABS-CBN News ngayong umaga, November 3, sa susunod na Lunes, November 8, na ang pagbabalik nina de Castro at Sanchez sa TV Patrol.
Sasamahan nila sa nasabing programa si Ted Failon, na anchor na ng nasabing show sa kasalukuyan.
Ang mga natanggal namang anchor na sina Julius Babao at Karen Davila ay lilipat sa Bandila, ang late-night newscast program sa ABS-CBN. Sasamahan nila si Ces Drilon.
Wala namang impormasyon kung saan ililipat si Henry Omaga-Diaz, na kasalukuyang co-anchor ni Ces Drilon sa Bandila.
Optimistic ang ABS-CBN sa mga magiging pagbabago sa kanilang news programs. Sa isang statement, sinabi nito na papalakasin umano nina Noli de Castro at Korina Sanchez ang TV Patrol.
"Starting November 8, Korina Sanchez and Noli 'Kabayan' De Castro will return to television to join Ted Failon in 'TV Patrol' to form the most tried and tested news team ever assembled in the history of Philippine broadcasting," saad ng ABS-CBN.
NOLI AND KORINA. Parehong may koneksyon sa pulitika ang dalawang veteran newscasters.
Si Noli de Castro ang naging bise-presidente ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2004 hanggang 2010.
Si Korina Sanchez naman ay asawa ng dating senador na si Mar Roxas, na tumakbo bilang bise-presidente ni Presidente Noynoy Aquino noong nakaraang eleksyon.
Inaasahang papasok sa isang mahalagang katungkulan si Mar Roxas sa gobyerno ni PNOY matapos ito magpalipas ng isang taon mula nang tumakbo at matalo ito.
Nagsimula si Noli de Castro bilang radio announcer sa DWWW noong 1982. Lumipat siya sa ABS-CBN pagkatapos mapatalsik si Ferdinand Marcos sa Malacañang noong 1986.
Ilan sa naging programa niya sa Kapamilya network ay ang Good Morning, Philippines, Magandang Gabi Bayan, at TV Patrol.
Tumakbo at nanalo sa pagka-senador si Noli de Castro noong 2001; nakakuha siya ng mahigit 16 milyon na boto. Naging bise-presidente naman siya noong 2004.
Nagsimula naman si Korina Sanchez bilang weather girl sa isang government station noong mga 1980s. Katulad ni Noli de Castro, sumali si Korina Sanchez sa ABS-CBN matapos ang pagka-presidente ni Marcos.






si Korina, sana maging housewife na lang sya ng husto. At si VP Noli, bigyan na lang ng sariling talk show.
Sina Korina at Noli boy,walang na amor. Si Noli boy, walang kwentang pulitiko. Corrupt din pala.
I was not surprised that Julius Babao resigned. Ninong niya sa kasal ang mga Lopez and even Charo Santos - and they did this to him. There was a time he and his wife Kristine were the top celebrities of ABSCBN. Now that their popularity has dipped - bale wala na ang lahat ng pagod nila for the station. Di ba dapat as Ninongs and Ninangs sa kasal - dapat bigyan ng tulong ang inaanak. So why are you demoting him to accommodate Noli and Korina?
Bandila-karen,julus at ces
what a superb tandem
si henry sna ilagay na lng
sa TV patrol weekends
sana meron din Bandila weekends
======================================
Ano Man ang Panahon,
Katotohanan at Walang Bahid-Pulitikang
Pagababalita ang aming Panata sa Bayan
Ang Mga Tambalang di mahihigitan
ninuman at kailanman.......
24 ORAS
MEL TIANGCO AT MIKE ENRIQUEZ
6:30PM GABI-GABI
SAKSI
ARNOLD CLAVIO AT VICKY MORALES
PAGKATAPOS NG GMA TELEBABAD
--------------------------------------
GMA NEWS amp; PUBLIC AFFAIRS
SERBISYONG TOTOO
--------------------------------------
--------------------------------------
GMA60 Touching Hearts, Enriching Lives
--------------------------------------
======================================
======================================
Ano Man ang Panahon,
Katotohanan at Walang Bahid-Pulitikang
Pagababalita ang aming Panata sa Bayan
Ang Mga Tambalang di mahihigitan
ninuman at kailanman.......
24 ORAS
MEL TIANGCO AT MIKE ENRIQUEZ
6:30PM GABI-GABI
SAKSI
ARNOLD CLAVIO AT VICKY MORALES
PAGKATAPOS NG GMA TELEBABAD
--------------------------------------
GMA NEWS amp; PUBLIC AFFAIRS
SERBISYONG TOTOO
--------------------------------------
--------------------------------------
GMA60 Touching Hearts, Enriching Lives
--------------------------------------
======================================
======================================
Ano Man ang Panahon,
Katotohanan at Walang Bahid-Pulitikang
Pagababalita ang aming Panata sa Bayan
Ang Mga Tambalang di mahihigitan
ninuman at kailanman.......
24 ORAS
MEL TIANGCO AT MIKE ENRIQUEZ
6:30PM GABI-GABI
SAKSI
ARNOLD CLAVIO AT VICKY MORALES
PAGKATAPOS NG GMA TELEBABAD
--------------------------------------
GMA NEWS amp; PUBLIC AFFAIRS
SERBISYONG TOTOO
--------------------------------------
--------------------------------------
GMA60 Touching Hearts, Enriching Lives
--------------------------------------
======================================