Iza Calzado more comfortable now with two-piece swimsuit in Beauty Queen

Ruel J. Mendoza
Wednesday, January 26, 2011 @ 05:34PM  |  1946 views


  "Bago naman kami mag-taping for Beauty Queen, I've been taking care of my figure na. Hindi naman sa nagpapa-sexy, but being physically fit is the right term for it. I'm very active in joining marathons, I work out, and I'm on a special diet. Kaya kahit papa'no, noong isuot ko ang two-piece bathing suit, I feel comfortable naman," says Iza Calzado (in photo, with Luis Alandy) about wearing a two-piece swimusit for a scene in Beauty Queen.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Overwhelmed si Iza Calzado dahil sa magagandang feedback at reviews na natatanggap ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang Beauty Queen.

Bukod kay Iza, na gumaganap bilang Maita San Miguel, pinupuri rin ang pagganap ng multi-award-winning actress na si Elizabeth Oropesa at award-winning actor na si Bembol Roco.

Gumaganap si La Oropesa bilang Amparo, ang ina ni Maita; at si Bembol naman bilang si Anya, ang bading na tiyuhin ni Maita.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iza sa taping ng big scene para sa Beauty Queen sa Metrobar sa West Avenue, Quezon City last Saturday, November 6, sinabi nito na masuwerte siya at nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mahuhusay na artista ng Philippine cinema.

"I cannot thank GMA-7 enough sa pagbigay nila sa akin ng role as Maita San Miguel in Beauty Queen because I will never have this chance to work with Tita Oro and Tito Bembol.

"Kung noong bata pa ako, nababasa ko lang sila at napapanood ko lang sila sa TV at sa pelikula, ngayon nakakatrabaho ko na sila. It's every actress' dream na makatrabaho ang mga tulad nilang magagaling. Wala akong masabi talaga sa husay na ipinapakita nila sa show namin," saad ni Iza.

ALL-NERVES WITH LA OROPESA & BEMBOL. Inamin ni Iza na sobra siyang nahiya sa mga eksena niya with veteran actors  Elizabeth Oropesa and Bembol Roco.

"Hindi ko kasi alam ang ikikilos ko kapag eksena na namin. Ayokong mapahiya sa kanila at kailangan take one lang talaga!" natatawang sabi ng 28-year-old actress.

"Sinasabi ko nga kay Tita Oro na nahihiya ako sa kanya dahil ang husay-husay niya. Mata pa lang ni Tita Oro, kapag tinititigan niya ako sa eksena namin, para na akong natutunaw.

"Pero mabait si Tita Oro. Sinabi niya sa akin na mahiyain din daw siya noon, pero na-overcome niya 'yon dahil marami ang nagtiwala sa kanya bilang isang artista. Kapag pinagkatiwalaan ka raw, ipakita mo na deserving ka.

"Sinabi pa niya na huwag akong mahiya dahil ako ang bida ng show. Ipakita ko lang na kaya ko at tama ang desisyon ng network na ako ang kinuha nilang bida. Confidence lang daw ang kailangan naming mga baguhang artista.

"Si Tito Bembol naman," patuloy ni Iza, "natatawa ako sa kanya kasi ang galing niyang mag-shift ng character. Kapag wala kaming take, lalakeng-lalake siyang kausap kapag nagkukuwentuhan kami. Pero kapag take na namin, may transformation siya kaagad as Anya.

"Kaya tawang-tawa ako sa kanya and he is such a brilliant actor talaga."

DIREK JOEL AS IZA'S MENTOR. Sobra rin ang pasasalamat ni Iza sa kanilang director na si Joel Lamangan dahil sa mga magagandang eksena nila sa Beauty Queen.

"Para na nga kaming pelikula and si Direk Joel lang ang makakagawa niyan sa GMA-7," papuri pa ni Iza sa kanyang direktor. "Malaki ang pasasalamat ko kay Direk Joel because of the trust he has given me to portray Maita.

1  2  Next »

Related Articles

24 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name