Nanghihina pa ang young actress na si Glaiza de Castro nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Grazilda kahapon, November 11, sa Norzagaray, Bulacan.
Hindi pa raw kasi siya nag-aalmusal at cracker lang ang kanyang kinakain.
"Minsan po kasi sa umaga, pagkagising ko, wala pa ako sa mood na kumain. Hindi talaga ako ma-breakfast na tao. E, minsan, kailangan talaga," paliwanag niya.
Hindi kaya mahimatay na naman siya sa taping, katulad nung nangyari sa kanya noong nakaraang buwan?
"Hindi naman...hindi naman ako nahimatay, nag-hyperventilate lang," paglilinaw ng young actress.
"Noong one time na humid ang lugar, tapos parang walang fresh air, parang wala akong masinghop na hangin."
GRAZILDA AS A WARRIOR. Sa istorya ngayon ng Grazilda, magiging warrior na si Glaiza na gumaganap sa title character. Imbes na naka-gown o naka-ordinaryong damit, na kadalasan niyang isinusuot sa teleserye, isang warrior outfit ang kanyang suot-suot nang makaharap namin siya.
"Pinalitan kasi ito," banggit niya. "Yung unang suot ko, parang naka-skirt pa, tapos hindi pa siya ganito, yung hitsura ng shoes. Tapos ngayon, parang skirt na.
"Actually, nagulat nga rin ako, bigla akong nag-costume. Parang hindi ko rin ini-expect na magiging warrior si Grazilda, di ba? Biglang naging warrior, bigla siyang lalaban."
Mula kasi sa Fantasia, ipinatapon si Grazilda ni Fairy Godmother (Jolina Magdangal) sa mundo ng ordinaryong tao bilang parusa sa pagkakasala niya kay Cinderella (Gwen Zamora). Pero ngayon ay nagbalik na sa Fantasia si Grazilda upang harapin naman ang mga bagong hamon sa kanya.
Paano niya pinaghandaan ang bagong character niya bilang warrior?
"Hindi nga po ako nakapag-prepare," nakangiting pag-amin ni Glaiza.
"Tapos yung suot ko pa, medyo ganito, mabigat. Tapos masikip. So, kailangan kong magbawas-bawas ng konti.
"At the same time, hindi naman ako yung nanghihina. E, ngayon kasi, parang hindi ako nakapagbuwelo kaya parang ganito ako ngayon, medyo nanlalata ako. Pero ayos lang, kailangan ko lang talagang bumuwelo."
Kung pakikinggan ang mga salita ni Glaiza, tila nahirapan siya nang husto sa Grazilda kumpara sa mga nakaraan niyang serye.






In fairness taas ng lipad!
Ingat ka neng at masakit lumagapak.
LOL!!!
kalamayhati
ang alam ko kapuso talaga siya tapos nalipat sa dos tapos bumalik sa 7.
narinig ko na yang dialogue na yan kay katrina halili dati. oh well...
cge pagpilitan nyo pa..sabagay sa inyo less than two months tinitigok na eh diba?
mas maiging alam ng mga talents like cherry gil ang contract of airing ng grazilda is 3 mos at hindi yung ina-ax agad dahil sa dapang-dapang ratings.. hahahaha...at least lumalaban pa rin c glaiza hahahaha...
cge pagpilitan nyo pa..sabagay sa inyo less than two months tinitigok na eh diba?
mas maiging alam ng mga talents like cherry gil ang contract of airing ng grazilda is 3 mos at hindi yung ina-axe agad dahil sa dapang-dapang ratings.. hahahaha...at least lumalaban pa rin c glaiza hahahaha...
yun previous ratings laging mara clara