Isang makulay at maintrigang taon na naman ang natapos sa mundo ng showbiz.
Pero bago tayo tuluyang magpaalam sa 2010 ay balikan at sariwain muna natin ang pinakamalalaking isyu at kontobersiya na pinag-usapan ngayong taon
Hindi siyempre mawawalan ng hiwalayan (Kris Aquino at James Yap, Gerald Anderson at Kim Chiu, at President Noynoy Aquino at Shalani Soledad) at demandahan (Willie Revillame vs. ABS-CBN).
Pero meron din namang masasayang balita gaya ng kasalan (Regine Velasquez at Ogie Alcasid) at mga tagumpay (Manny Pacquiao at Charice).
Sabay-sabay nating alamin kung sino ang "Newsmakers of the Year" ng PEP sa pamamagitan ng pag-click dito.







Ang mga rebelasyon ni Jinkee ang kumpirmasyon na totoong nagkaroon ng relasyon ang kanyang asawa kay Krista. Sa interbyu nina Jo-ann Maglipon at Anna Pingol, ipinagtapat ni Jinkee na wala na siyang mailuha nang matanggap niya ang text message mula kay Manny. Isang text message na humihingi ng permiso ang kanyang asawa para maghanap ng ibang mamahalin.
Ikinuwento rin ni Jinkee sa YES! ang mga biro niya kay Manny nang mapanood nila sa TV ang coverage ng kasal ni Krista sa businessman na si Nino Lim. Ayon kay Jinkee, binibiro niya si Manny na naagawan ito ni Nino at sila dapat ni Krista ang ikinakasal.
Tinawanan lang daw ni Manny ang mga biro ni Jinkee pero nagsalita siya ng “Manloloko yata si Krista. Na baka raw may relasyon din si Krista kay Nino habang sila.”
Nakilala ni Nino si Krista dahil kay Manny at magkakabarkada sila. Ibinulgar ni Jinkee na si Nin