Mark Herras is back to work after two-month break from showbiz

Mark Angelo Ching
Wednesday, March 09, 2011 @ 04:57PM  |  71 views


  Ayon kay Mark Herras, ipagpapaliban niya muna ang planong magsarili at umalis sa bahay niya kung saan kasama niya ang kanyang pamilya.   "Puwede ko namang ituloy yun kahit anong oras, pero siyempre, yun nga, dahil two months akong nagpahinga, siyempre antayin ko munang magkatrabaho ako para mas okay," saad niya.

Photo By: Noel B. Orsal













Nagpaunlak ng panayam ang young actor-dancer na si Mark Herras kahapon ng tanghali, Disyembre 9, sa Baang Coffee, Quezon City.

Tapos na kasi ang dalawang buwan niyang break mula sa showbiz, at magkakaroon na muli siya ng mga project sa home station niyang GMA-7.

Humingi kasi ng bakasyon si Mark, 23, sa Kapuso network matapos niyang magkasakit dahil sa sunud-sunod na projects.

Na-diagnose na may insomnia at kidney stones ang StarStruck alumnus.

Nagsimula ang break ni Mark Herras noong Setyembre, pagkatapos ng Langit sa Piling Mo, ang huli niyang ginawang soap opera para sa GMA-7. Nakapareha niya rito si Heart Evangelista.

BACK TO WORK. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, sinabi ni Mark na nami-miss na niyang magtrabaho kaya siya pa ang kumausap sa kanyang network.

"Actually, nagsasabi na ako sa GMA na parang lagpas na yata yung two months, a. Parang, okay na, puwede na akong magtrabaho.

"Nami-miss ko nang magtrabaho. Ako na yung nagungulit sa kanila ngayon. Parang game na game na ako," sabi ni Mark.

Pagpapatuloy ni Mark, ito na raw ang pinakamahabang bakasyon na hiningi niya sa GMA-7 mula nang manalo siya bilang Ultimate Male Survivor sa unang StarStruck noong 2003.

"Kasi before, may mga nangyari na hindi ko naman hinihingi, bigla lang nagkakabakasyon. Pero andiyan pa rin talaga yung mga raket.

"Eto yung two months na walang raket. Okay naman. Hindi ko naman pinagsisihan na humingi ako ng pahinga," saad niya.

Sa ngayon ay napapanood na si Mark sa Puso ng Pasko, ang pinakabagong artista challenge ng GMA-7 sa primetime na may layuning matulungan ang ilang mahihirap na pamilya.

Kapareha ni Mark dito ang girlfriend niyang si Ynna Asistio, at may mga challenges silang ginagawa para matulungan ang kanilang partner family.

Bukod pa rito, may dalawang shows rin na naghihintay kay Mark sa susunod na taon. Isa na rito ang Dance With Me, isang dance-serye.

Itinanggi naman ni Mark na kasama siya sa cast ng Captain Barbell, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

1  2  Next »

Related Articles

35 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name