Masaya ang teen actor na si Kristoffer Martin dahil extended ang Tween Hearts hanggang April 11, 2011.
Ayon kay Kristoffer, isang napakagandang Pamasko sa kanya at sa lahat ng mga kasama niya sa youth-oriented program ng GMA-7 ang ilang buwang extension ng kanilang show.
"Sobra-sobrang saya naming lahat kasi na-extend kami ng hindi lang ilang linggo kung hindi ilang buwan. Ibig pong sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho namin.
"Yun naman po kasi ang gusto naming lahat—ang magkaroon ng trabaho. Kaya naman mas lalo naming pinagbubuti ang ibinigay sa aming trabaho ng GMA-7 para nang sa ganun ay bigyan pa nila kami ng bagong show bukod sa Tween Hearts."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer kahapon, December 16, sa GMA Network Center.
Malaki rin ang pasasalamat ni Kristoffer at buong cast ng Tween Hearts sa suportang ibinibigay ng mga manonood sa kanilang show, kaya naman maganda ang ipinapakita nito sa ratings game.
"Kung meron po kaming dapat pasalamatan, yun po yung mga fans namin at mga taong walang sawang sumusuporta sa show namin. Kasi kung hindi dahil sa kanila, baka hindi tatagal yung show namin at mag-e-extend pa ng ilang buwan.
"Dahil sa magandang rating namin, yun po yung nagiging inspirasyon namin para mas galingan pa namin, para hindi magsawa ang mga manonood na tutukan at subaybayan ang Tween Hearts."
KRIS-JOY. Sa ganda ng teamup nila Joyce Ching sa Tween Hearts, nabuo ang Kris-Joy Fans Club na siyang sumusuporta sa dalawang young stars. Marami nga ang nagsasabing patok sa manonood ang team-up nila.
Ano ang reaksiyon ni Kristoffer dito?
"Bale nagulat nga kami ni Joyce kasi may nagtayo sa aming fans club, yung Kris-Joy, bukod sa solo-solo naming fans club. Sabi nila sa amin, maganda daw at click yung team-up naming dalawa.
Yun ba yung reason kaya binigyan ng sariling kapareha si Lexi Fernandez na ka-love triangle nila noong nagsisimula ang Tween Hearts?
"Siguro po, baka nakita nila na mas maganda yung teamup namin ni Joyce kaya naman hinanapan na rin nila si Lexi ng magiging ka-love team niya.
"Pero ako naman po, willing pa rin namang makatrabaho si Lexi kasi okey din naman siyang katrabaho," sabi ng 15-year-old actor.
Si Lexi ay itatambal sa bagong pasok sa Tween Hearts na si John Marlowe Pamintuan.






ganda ng chemistry nila.
silverngold
December 17, 2010
14:02 PM
sino siya?? kamukha niya hardinero ng kapitbahay namin.. wehehehe...
----------------
Radyo pa uso sa inyo? tulog kanalang..
sana ikaw ang gawing ka-triangle ng JULIELMO sa acting project nila. ganda non!
silvergold
grabe kanaman.. kala mo kung sino ka... baka sarili mo tinutukoy mo..
for ur info sikat yan dto sa ami. sa cebu..
-dati syang kapams na frozen delight pero nabigyan ng break sa kapuso.
kala ko ba kilala mo lahat ng mga kapams? sabagay, mas madami pa silang da who sa istasyon nyo. LOL!