PEP EXCLUSIVE: Fanny Serrano gives details about Sharon Cuneta's minor accident at her birthday concert

William R. Reyes
Tuesday, March 29, 2011 @ 11:34PM  |  54 views


  "Right after natapos ang show, bigla ba namang naupo sa silya, inalis ang sapatos, alahas, at nagngangawa na sa sobrang sakit daw ng likod niya, na gumagapang papuntang balikat at ulo! As in, sumisigaw siya sa sakit!" recalls Fanny Serrano (inset) about the condition of Sharon Cuneta right after her concert last night, January 11.

Photo By: Noel Orsal













Kaugnay ng mga ulat na lumabas ngayong umaga, January 12, hinggil sa nangyaring minor accident sa birthday concert ni Sharon Cuneta kagabi (January 11), nagpadala rin ng text messages sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Fanny Serrano.

Kasakasama kagabi ng Megastar si Fanny bilang kanyang official makeup artist.

Idinetalye ni Tita Fanny sa mahaba niyang mensahe sa PEP ang mga pangyayari sa naturang concert, na ang ending ay ang pagkasugod kay Sharon sa hospital. (CLICK HERE to read related story.)

"Super kasi ang excitement na naramdaman ni Sharon sa mga surprises for her birthday concert last night, sa Araneta," simula ni Fanny. 

"Talagang grabe ang tuwa niya sa bawat number, at kahit ang audience ay super gustung-gusto ang buong show! Grabe! Full-packed ang Araneta!

"More than three hours inabot ang show, pero parang ayaw pa rin ng tao matapos!

"Nakaupo lang si Sharon sa audience, kasama ang family niya. Of course, Kiko [Pangilinan], Khakie [Frankie], Miel, and Mommy Elaine, at halos ang buong Pangilinan and Cuneta families, kaya sobrang saya ni Mega kagabi.

"At dun nag-start ang hindi magandang pakiramdam ni Shawie, dahil kasalukuyan namang may sakit ang bunso niyang si Miguel [adopted son nina Sharon at Kiko], na naiwan sa bahay kasama ang yaya at nurse na nagbabalita lang sa amin, every now and then, kung ano na nga ang kalagayan ng bata."

Dagdag pa ni Fanny, "Paminsan-minsan ay nagkakaroon din nga siya [Sharon] ng special number with some of the guest artists na favorite niya.

"At dun sa rock and roll medley na ginawa niya with Billy Crawford and Ramon Jacinto ay dance to death siya ng Twist. Dun siya nag-slide at bumagsak bigla sa sahig, na yung balakang nga niya ang unang tumama, as in plakda talaga ang bagsak niya!

"Sigawan ang mga tao sa gulat, at ang tagal niya bago naitayo ni Billy. Pero tawa siya nang tawa habang nakaupo at sayaw pa rin nang sayaw, kaya super-palakpakan ang buong audience sa Araneta. 

"At iisa lang ang dialogue niya: 'O, kaya n'yo yun? Ako lang ang makakagawa nun!' At sabay halakhak pa niya! 'Kakaloka!"

TENSION ANXIETY. Tumagal ng tatlong oras ang concert ni Sharon. Early evening pa naganap ang pagkatumba ni Mega.

Ayon pa kay Fanny, "Akala namin, okey lang siya kasi early number pa lang ang rock and roll medley na yun at tinapos niya pa ang concert na halos more than three hours na nga.

"Wala kaming naririnig na reklamo o daing sa kanya during our costume changes!" banggit din ni TF, na kasama ni Sharon sa dressing room. 

1  2  Next »

Related Articles

32 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name