Vice Ganda admits finding "true love" is hard now that he enjoys  success

Rose Garcia
Tuesday, April 19, 2011 @ 03:36AM  |  77 views


  "Sabi ko nga, sa estado ko ngayon, finding a way to have a simple life is the more complicated thing to do. Ang hirap magtiwala. Hindi mo na alam kung kanino mo ibibigay ang pagmamahal mo, ang pagtitiwala. Nakakatakot na rin kasi sobrang kumplikado ng mundong ginagalawan," says Showtime resident judge and top comedian Vice Ganda.

Photo By: Noel Orsal













Si Vice Ganda ang sumalang sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong Linggo, January 23.

Unang tanong ni Charlene kay Vice ay kung ano ang sikreto ng success niya dahil tila may kakaiba raw siyang magic at appeal sa tao?

"Kapag sinabi ko sa inyo, hindi na sikreto 'yan!" biro ng stand-up comedian.

"Wala akong secret. Kasi, lahat naman ng ito, hindi ko naman plinano. Katulad ng sinasabi ko noon, hindi ko alam, nangyayari lang siguro lahat ng ito dahil ito na ang nakatakdang mangyari talaga."

2010 has been a great year for Vice. Pero ayon kay Charlene, she feels that 2011 would even be a greater year for the comedian.

"Wow, salamat naman," nakangiting sabi ni Vice.

"Yun nga ang ikinanenerbiyos ko. Katulad noong New Year, umiiyak ako. Kasi si Bianca [Gonzales], nag-tweet siya, 2010 daw was really Vice Ganda's year. 

"So, sabi ko, 'Oh, my God! Tapos na ang 2010 na sinasabi nilang year ko. So, ibig sabihin, tapos na.'"

STILL WITH OGIE. Sinagot din ni Vice ang isyung maghihiwalay na raw sila ng landas ng kanyang manager na si Ogie Diaz.

Sabi ni Vice, "E, balang-araw naman lahat maghihiwa-hiwalay. Pero hindi sa paraan ng gusto ng ibang nag-iisip. 

"Maghihiwalay siguro kami na baka in the future mag-retire na ako or mag-retire siya. Pero hindi sa pamamaraan na gusto nila na sa ngayon, mag-away kami sa pera or sa ibang katsipang isyu."

So, okay sila ni Ogie ngayon?

"Sobrang okay kami," sagot ng resident Showtime judge.

Ano naman ang masasabi niya sa isyung nag-away raw sila ng kanyang manager dahil sa pera?

"Ay, hindi ho kami nag-aaway sa pera. Sobrang katsipan!" sambit ni Vice.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name