Sharon Cuneta not worried about KC and Piolo: "They are both smart, alam nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon."

Melba R. Llanera
Saturday, April 23, 2011 @ 05:15PM  |  2885 views


As a mother, masaya na si Sharon Cuneta na inamin ni Piolo Pascual ang relasyon nila ni KC sa publiko. "Kasi normal yun. Matatakot ako pag ayaw niyang ipakita ang anak ko, secret or something.  I trust them both.  KC is an adult and has grown into a lovely human being so if I trust someone, it's my daughter," she says.

Photo By: Noel Orsal













Sa nakaraang interview kay Sen. Kiko Pangilinan sa bagong branch ng Mesa Grill Restaurant this week, naging usap-usapan ang kapansin-pansin na pag-iwas daw nito magbigay ng komento kung boto ba siya o hindi kay Piolo Pascual bilang boyfriend ng stepdaughter niyang si KC Concepcion.

Masasabing anak na rin ang turing ni Sen. Kiko kay KC kung kaya't di maiiwasang mahingan ng reaksyon ang senador sa pag-amin ng dalawa sa kanilang tunay na relasyon sa ngayon.

Sa nakarang pictorial ni Sharon Cuneta sa studio ni Raymund Isaac para sa The Biggest Loser last March 16 ay agad naming tinanong ang Megastar kung ano ang masasabi niya na mukhang hindi raw boto ang asawa nito sa bagong boyfriend ng panganay na anak.

"Si Kiko ganito yan, kahit let's say gusto niya talaga yung boyfriend ng anak ko ke si Piolo 'yan o hindi, wala ng lalaking nabubuhay ang mas gagaling pa kahit na santo na sana maging asawa ng anak ko.  Ganyan ang sasabihin niyan, kunwari ganyan-ganyan pero pag nandiyan naman si PJ, very like niya kasi before pag nakakasama namin siya minsan, enjoy naman siya," paliwanag ni Sharon.

Tulad ng amang si Gabby Concepcion, aminado si Sharon na hindi pa naipapakilala nang pormal ni KC si Piolo bilang boyfriend nito sa kanyang ina.

"Yung totoo, hindi ko pa sila talagang nakasamang magkasama mula nang maging sila, kasi ang dami nilang ginagawang dalawa, separately and together.  Siguro they see each other, pareho silang busy, tapos ako rin so sobrang hirap magtugma ng mga sked namin. 

"Hindi na namin inoobliga yung mga bata, I'm sure magkikita rin kami, makakakain kami nang sabay-sabay na walang tatayo, na hindi mali-late."

"Before naman na maging sila, pag pupunta siya sa bahay, very ano naman kami ni Kiko sa kanya.  Ayoko nang pag-usapan ang iba pang okasyon kasi pribado, dapat pribado.  Kung ako, ikukuwento ko, pero siyempre it's respect for them also."

SHE TRUSTS KC AND PIOLO. As a mother, masaya na si Sharon na inamin ni Piolo ang relasyon nila ni KC sa publiko.

"Kasi normal yun. Matatakot ako pag ayaw niyang ipakita ang anak ko, secret or something.  I trust them both.  KC is an adult and has grown into a lovely human being so if I trust someone, it's my daughter."

Tinanong din namin si Sharon kung pabor ba siya na showbiz ang naging boyfriend ng anak. Bilang ina, hindi ba siya nagwo-worry na pinupukol ng mga intriga sila KC at Piolo?

"Hindi ako nagkukulang ng paalala kay KC. Si Piolo, I'm sure nadaanan na niya yan e... Basta ang anak ko babae, yung mga maibabahagi ko sa kanya ay yung mga experiences ko. 

"Alam mo, iba-iba ang tao. Puwede naman siyang mag-asawa ng doctor or attorney  tapos napakalungkot naman ng buhay niya.  Hindi dun nababase yun e. I think the two of them, they understand  each other," aniya.

"They are both smart, alam nila ang hirap ng pagiging taga-showbiz na may relasyon. Pero I'm sure alam nila ang solusyon dun.  Yun ngang two years na lumalabas sila, di ko alam yun.

"Ako hindi ako worried basta hindi sila worried.  I keep telling KC to stay strong. Pag nagpa-apekto ka, tuloy-tuloy na yan.  Ang nakakaalam at nakakakilala ay silang dalawa. Kahit kami di namin alam yun, you feel it in your heart. 

1  2  Next »

Related Articles

47 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name