Paolo Ballesteros says he prepared for gay role by watching drag queens, learning their dance moves, and playing dress-up

Ruel J. Mendoza
Monday, May 16, 2011 @ 12:43AM  |  1025 views


Tila kina-reer na ni Paolo Ballesteros ang kanyang gay role sa teleserye na I ♥ You Pare. Nagtodo-shopping na ito ng mga bonggang shoes at outfit. "Most of the costumes ko sa [sa teleserye] ay sa akin. Talagang bumili ako... Tulad ng tops, mga leggings, stockings at mga high-heel shoes... Natatawa nga yung mga sales ladies sa malls kapag nagsusukat ako ng mga sapatos. Sinasabi ko naman na para sa role ko sa I ♥ You Pare. Hindi ko naman personal na gagamitin sa mga gimik," he says.

Photo By: Noel Orsal













Sa mismong Valentine's Day sa Lunes (February 14) ang unang paglabas ni Paolo Ballesteros bilang ang kontrabidang bading na si Vodka sa romantic-comedy series ng GMA-7 na I ♥ You Pare kunsaan bida sila Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

Excited na nga si Paolo na mapanood ang kanyang mga pinaggagawa sa naturang series bilang isang drag queen na aapihin at pagmamalupitan si Tonya (played by Mrs. Regine Alcasid) na nagpapanggap na isang bading.

Kuwento nga ni Paolo sa aming panayam sa kanya sa set sa Marikina na tuwing may eksena siyang tinatarayan niya sila Regine at Tirso Cruz III ay kinakabahan siya. Mataas daw kasi ang respeto niya sa mga ito kaya hangga't maaari ay magsu-sorry siya parati pagkatapos ng kanilang mga eksena.

"Sa totoo lang, nahihiya talaga ako," diin ni Paolo. "Kasi nga, Regine Velasquez at Tirso Cruz III ang tinatarayan ko sa series. Tapos si Ate Regine, dinuduro-duro ko pa at binabatuk-batukan ko. Parang puwede ko bang gawin 'yan sa tulad niya in real life? Hindi, 'di ba? Kaya panay ang sorry ko.

"Kahit kay Tito Pip, kapag tinatarayan ko, sa loob-loob ko ay nanliliit ako. Hindi ko nakakalimutan ang mag-sorry sa kanila. Kilala n'yo naman ako, ayoko nang may masasabi silang hindi maganda sa akin at sa trabaho ko."

Wala naman daw issue pareho kina Regine at Kuya Pip ang mga eksena nila with Paolo. Trabaho naman daw ang lahat at gusto nga raw nila ang pag-handle ni Paolo ng kanyang character bilang maldita at mayabang na drag queen.

"Natatawa si Ate Regine sa akin. Bakit daw ako magsu-sorry, e kasama iyon sa work namin. Gusto nga raw niya na mas vicious pa ako. [Sana] lagpas pa raw kay Cherie Gil!" sabay tawa ni Paolo.

"Nakakabilib nga si Ate Regine kasi pumapayag siyang pinipisikal siya. Hiyang-hiya nga ako kapag tinutulak ko siya or nababatukan ko siya. Okey lang daw, huwag lang daw malakas. Baka raw pine-personal ko na ang eksena!" tawa pa niya ulit.

Inaamin nga ni Paolo na super-enjoy siya sa kanyang pagganap bilang si Vodka. Noong inalok nga sa kanya ang role na ito, hindi na raw siya nagdalawang-isip dahil alam niyang kakaiba ang gagampanan niya.

"Actually, nakapag-drag na ako before sa Zaido: Pulis Pangkalawakan as Ida. Pero yun naman, character talaga sa story. Sci-fi adventure naman iyon. Tapos sa Eat Bulaga! naman, nagda-drag din ako kapag may mga special episodes kami.

"Playing gay naman, nagawa ko na before sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at isang episode ng Love To Love noon. Napansin ko nga, wala akong ginampanan na normal sa mga series na kasama ako. Sa Dyesebel, isa akong lalakeng sirena. Tapos sa The Last Prince, wizard naman ako.

"Dito lang sa I ♥ You Pare na normal akong tao pero abnormal pa rin!" tawa niya. "Anyway, enjoy naman ako doing these kinds of roles. Challenging and at the same time, you are working with great actors. Kaya kina-career natin ang lahat."

KINKY SHOES. Para nga raw maihanda ni Paolo ang kanyang sarili sa role na drag queen, nanood daw talaga siya ng mga shows ng mga drag queens. Inaral daw niya ang mga sayaw at pati ang costume ay pinagkaabalahan niya.

"Most of the costumes ko sa I ♥ You Pare ay sa akin. Talagang bumili ako. Sabi ko naman sa inyo, kina-career ko, e," ngiti pa niya.

"Tulad ng tops, mga leggings, stockings at mga high-heel shoes, bumili ako. Iba na kasi yung alam mo na sukat sa iyo, lalo na ang sapatos, para kumportable.

1  2  3  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name