Ryan Agoncillo says wife Judy Ann Santos will make first TV appearance in Talentadong Pinoy grand finals

Glen P. Sibonga
Monday, May 30, 2011 @ 08:29AM  |  141 views


"Kakatanong ko nga lang sa staff e, nag-confirm daw si Juday. This would be, as far as I know, her first public appearance after giving birth," pahayag ni Ryan Agoncillo sa isang presscon nuong February 18. Special judge si Judy Ann sa season 2 grand finals ng ng hino-host na talent show ni Ryan sa TV5, ang Talentadong Pinoy, na gaganapin sa Yñares Center sa Antipolo City sa March 12 at 13.

Photo By: Noel Orsal













Mismong si Ryan Agoncillo ang nagkumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa ibang press na magaganap na ang first TV appearance ng kanyang asawang si Judy Ann Santos matapos nitong manganak kay Baby Lucho noong October 7, 2010.

Mangyayari nga ito sa pagiging special judge ni Judy Ann sa Season 2 Grand Finals ng hino-host na talent show ni Ryan sa TV5, ang Talentadong Pinoy, na gaganapin sa Yñares Center, sa Antipolo City. sa March 12 at 13.

"Kakatanong ko nga lang sa staff e, nag-confirm daw si Juday. This would be, as far as I know, her first public appearance after giving birth. Kasi noong unang championship ipinagbubuntis pa lang niya si Lucho, hindi pa namin ina-announce noong time na yun. This time around yun na," pahayag ni Ryan sa presscon ng Talentadong Pinoy na ginanap kahapon, February 18, sa SM Skydome.

Gaya nga ng sabi ni Ryan, hindi na bago kay Juday ang pagiging judge sa Talentadong Pinoy dahil last year ay isa rin ang misis niya sa mga hurado ng Season 1 Grand Finals. Malaki raw talaga ang naging bahagi ng talent show sa pamilya nila.

"Syempre, ito ang nagpapakain sa amin, e," pabirong sabi ni Ryan.

Ang magandang balitang ito ay nakadagdag pa sa excitement na nararamdaman ni Ryan ngayong nalalapit na ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions 2011.

"Sobra akong excited kasi for Season 2. It will be the first time that we're going live on March 12 and 13," ani Ryan.

Matindi daw ang labanan ngayong taon dahil pare-parehong magagaling ang mga Hall of Famers na kinabibilangan ng master beatboxer ng Davao na si Beatbox Gor; ang sand artist ng Laguna na si Joseph the Artist; at ang mala-broadway singers ng Muntinlupa City na The Believers.

Dagdag mo pa ang singing group ng Quezon city na Newborn Divas; ang pole dancer ng Caloocan na si Sfashiva; ang real-life acrobatic partners na taga-Cainta na Zion Show; ang Poi dancers na tubong Cebu na Fire Attraction; at ang isolation dancing duo na RR Friends ng Cavite.

Isang wildcard winner pa ang madadagdag sa mga finalists, na malalaman pa lang sa March 6.

Ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy 2011 ay mananalo ng isang milyong piso. Kasama na rito ang karangalang maging isa sa representatives ng Pilipinas sa taunang international competition na World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Paano ikukumpara ni Ryan ang Seasons 1 at 2 Grand Finals?

"In terms of grandiyosong performance, I would say this (Season 2) is a more exciting batch. Pero kasi we have to realize, pag pinaglaban natin yung first batch at second batch, yung first batch kasi namin hasang-hasa na sila e.

"They've been doing shows, guestings. It would be great to pit them both. But I think yung variety nitong second batch—maganda, e."

May pressure ba siyang nararamdaman na ma-break o mapantayan man lang ng Season 2 Grand Finals ang mataas na rating ng unang grand finals?

1  2  3  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name