Tuesday Vargas says she is no longer affected by intrigues: "Trabaho lang 'yan."

John Fontanilla
Wednesday, June 01, 2011 @ 07:53PM  |  944 views


  Totoo nga bang nakikipagbonggahan si Tuesday Vargas kay Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy?   "Ang sa akin, gusto ko lang kasi na hindi maiwan ni Ruffa. Gusto ko lang ding mai-angat yung show kaya sinasabayan ko yung suot niya. Pero hello! Beauty queen yun ano? Ibang level," paliwanag ni Tuesday.

Photo By: Noel Orsal













Isa-isang sinagot ni Tuesday Vargas ang lahat ng mga negatibong tsismis na nagsasabing pasaway, primadona, at eksenadora, ang aktres at kinaiinisan ng kanyang mga katrabaho.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tuesday at the presscon of Dulcolax last February 18 sa Sulo Hotel, sabi ng aktres na hindi daw totoo ang mga balita na galit sa kanya ang mga TV5 artists na sina Shalala at Wilma Doesnt.

Si Tuesday ay celebrity endorser ng Dulcolax.

"Naku si Shalala okey kami niyan, nagti-text pa nga kami e, Ewan ko ba kung bakit may naglalabasang hindi kami okey. Yung kay Wilma naman, siguro dahil  pareho kaming prangka kaya ganun. Pero okey kami," aniya.

Pagnaba-blind item siya, kinakausap ba niya si Shalala?

"Hindi kasi blind item e, tsaka pag pumiyok ka parang inamin mong ikaw yun. Basta sa akin, trabaho lang yun," ang sabi ni Tuesday.

Pag may lumalabas na intriga involving other artists, kinakausap ba niya ito ng face to face o dinidedma lang niya?

"Pag may issue ako with the other artists, kinakausap ko nang personal at hindi ko na pinatatagal. Like for example, may sinabi daw itong artist sa akin na  hindi maganda, kinakausap at tinatanong ko na kung sinabi niya ba ito, o totoo ba ito.

"Mas maganda kasi yung ganoon, kaysa naman patagalin mo pa. Lalaki at lalaki lang yung issue at mag-aaway kayo nang hindi niyo man lang inaalam ang totoo."

Totoo ba na nakikipagbonggahan siya kay Ruffa Gutierrez sa Talentadong Pinoy?

"Ang sa akin, gusto ko lang kasi na hindi maiwan ni Ruffa. Gusto ko lang ding mai-angat yung show kaya sinasabayan ko yung suot niya. Pero hello! Beauty queen yun ano? Ibang level.

"Pero hindi naman totoong nakikipagbonggahan ako sa kanya. Iba naman yung sumasabay lang sa nakikipagbonggahan. Tsaka ang layu-layo naman sa akin ni Ruffa. Ruffa Gutierez yun," paliwanag niya.

Madali ba siyang ma-apektuhan ng intriga?

"Naku noon oo. Iniiyakan ko talaga yan. Pero ngayon, sa tagal-tagal, okey na. Hindi na. Sinasabi ko na lang na part yan ng trabahong pinasok ko, kaya kailangan maging handa ako.

"Dati nga pag may lumabas na negative writeup sa akin, nagagalit talaga ako. Lalo na't hindi totoo, naiiyak ako talaga. Pero ngayon, deadma na lang.  Kasi kakabit ng artista ang intriga," aniya.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name