John Lapus signs up with Viva Films but will still do movies for Regal Films

Ruel J. Mendoza
Thursday, June 09, 2011 @ 06:52PM  |  1386 views


  "Sa mga litrato ko lang nakikita na nakikipagkamay ang artista sa mga producers kapag may pirmahan ng kontrata, di ba? Never kong nakita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon in real life. Inaambisyon ko na lang 'yon. Pero naganap na nga ngayon at hindi ako pumayag na wala kaming picture ni Boss Vic na kinakamayan namin ang isa't isa. Naku, feeling ko ako si Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at kung sinu-sino pang mga big stars ng Viva Films!" says John "Sweet" Lapus after signing a non-exclusive contract with Viva Films.

Photo By: Noel Orsal & Ruel Mendoza













Inamin ni John "Sweet" Lapus na naging malaking pagsubok para sa kanya ang nagdaang two weeks, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero unti-unti na raw nagkakaroon ng magandang resulta ang lahat.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Sweet na biglang nagkaroon ng magandang offer ang Viva Films sa kanya para gumawa ng dalawang pelikula. Magandang senyales raw ito para sa kanya at tuwang-tuwa siya dahil for the first time ay pipirma siya ng isang non-exclusive contract with Viva Films.

"Very thankful ako kasi after ng two weeks na kabuwisitan at medyo na-stress ako at ang pamilya ko, heto at may positive news naman for a change," sabi ni Sweet nang makausap siya ng PEP sa naganap na contract signing niya sa Viva Entertainment Office kahapon, March 2.

"Natuwa talaga ako nang iparating sa akin ng Star Magic na gagawa ako ng two movies with Viva. At may contract signing pa raw. Akala ko naman yung simpleng pirmahan lang tulad ng dating ginagawa ko. Laking tuwa ko at makakasama ko pala ang mismong big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario!

"Sabi ko nga, 'Dyusko po, totoo ba ito?' Ilang beses kong kinurot-kurot ang sarili ko. Kasi never pang nangyayari sa akin ang ganyan, na pipirma ako ng kontrata na kasama ang mga bossing. Tapos yung logo ng film company, nasa background. Parang nananaginip talaga ako.

"Sa mga litrato ko lang nakikita na nakikipagkamay ang artista sa mga producers kapag may pirmahan ng kontrata, di ba? Never kong nakita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon in real life. Inaambisyon ko na lang 'yon.

"Pero naganap na nga ngayon at hindi ako pumayag na wala kaming picture ni Boss Vic na kinakamayan namin ang isa't isa. Naku, feeling ko ako si Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at kung sinu-sino pang mga big stars ng Viva Films!"

NON-EXCLUSIVE CONTRACT. Nilinaw ni Sweet na non-exclusive contract ang kanyang pinirmahan for two pictures. Hindi raw 'yon managerial contract.

"For two movies ang kontrata ko," sabi niya. "Ang Star Magic pa rin ang manager ko when it comes to movies and live shows. Tapos si Ricky Gallardo naman ang manager ko sa mga shows ko sa GMA-7, tulad ng Showbiz Central at Show Me Da Manny.

"Ang Viva naman, naging napakabait nila sa akin noon pa. Marami na akong nagawang movies with them tulad ng Ang Kailangan Ko'y Ikaw, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Mahal Kita: Final Answer, Buhay Kamao, Ang Kabit Ni Mrs. Montero, Masikip Sa Dibdib, Ang Cute Ng Ina Mo, Apat Dapat... Dapat Apat, Ikaw Pa Rin: Bongga Ka Boy, at itong latest nga na Who's That Girl?.

"So, naging maganda na ang working relationship ko with Viva kaya noong may offer sila, go talaga ako at walang dalawang-isip pa. Bata pa lang ako, Viva Films na 'yan. Lahat ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion na movies nila, napanood ko. Kaya in a way, parang ginawa na rin nila akong part ng Viva family."

Sa panayam ng PEP kay Boss Vic, sinabi niya na sa dalawang pelikulang pinirmahan ni Sweet sa kanila ay pareho itong bida at magagandang projects ang ibibigay nila rito.

Ano ang reaksiyon dito ni Sweet?

"Nakakatuwa namang malaman na nanggaling pa 'yan kay Boss Vic mismo. Kaya ngayon pa lang, hindi pa kami nagsisimulang mag-shooting, maraming salamat sa Viva!

"Next week daw, magmi-meeting na kami for possible stories. Gusto nilang maging part ako ng pagbuo. Oo naman ako, siyempre. Magandang pagpapahalaga ito ng Viva Films para sa akin kaya hindi ko sila dapat biguin," sabi niya.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name