Si Ai-Ai delas Alas naman ang natsitsismis ngayon kay Aljur Abrenica. Umabot pa nga sa point na bibigyan pa raw siya ng mamahaling kotse ng Comedy Concert Queen. (CLICK HERE to read related story.)
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur sa set ng next episode ng Spooky Nights Presents The Ring...Tone kaninang umaga, April 15, sa New Manila, Quezon City, ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pagli-link sa kanila ni Ai-Ai.
"Nagkausap na through phone lang. Kasi po, si Eric Santos, Father Eric, nagmisa sa amin sa Machete, in-invite niya si Ms. Ai Ai doon. Saktung-sakto, sabi ko, 'Ay, sayang naman kung hindi siya makakarating!' Kasi, fan po ako talaga ni Ms. Ai-Ai delas Alas. Tinawagan niya [Fr. Eric] at nakausap ko si Ms. Ai-Ai sa telepono," kuwento ni Aljur.
Ano naman ang napag-usapan nila ni Ai-Ai?
"Sabi ko po, sana magkita kami at fan ako. Sana makatrabaho ko siya someday sa mga movie.
"Biglang sumingit si Father na birthday ko kinabukasan [March 24]. 'A, talaga, birthday mo? Ano ang gusto mo?' sabi niya [Ai-Ai]. Sabi ko, 'No, wala po. Makausap ko lang kayo, okey na ako. Masaya na ako,'" lahad pa ng young actor.
Tapos, nagkaroon na ng tsismis tungkol sa kanila?
"Bakit pinapalaki ninyo? Hindi ko pa nga po nakikita yung tao!" natatawang sabi ni Aljur.
Parang gusto raw kasi siyang bigyan ng kotse ni Ai-Ai. Ano ang reaksiyon niya rito?
"Hindi ko po masagot. Hindi ko pa po ma-confirm 'yan. Si Ms. Ai-Ai, hindi ko pa po nakikita. Talagang may lumabas na?" tanong pa niya.
Pero siya raw kasi ang sinasabing crush ni Ai-Ai?
"Kung totoo man 'yon, nakaka-flatter naman. Flattering 'yon para sa akin dahil nga, hindi ko maiisip na ang isang Ms. Ai-Ai delas Alas ay hahanga sa akin. Dahil siya mismo, iniidolo ko talaga. Pinapanood ko at tagasubaybay ng pelikula niya," sabi niya.
Nilinaw naman ni Ai-Ai sa hiwalay na panayam na biruan lang ng mga kaibigan niya ang tungkol sa pagbibigay ng Porsche kay Aljur.
"Usapang bakla lang yung amin na bibigyan ng Porsche.... Yung merong lalaking pang-Kia Pride lang, pang-Toyota. Pero na-mention si Aljur, pang-Porsche na yun kung sakali!" sabi ng comedienne.
TOGETHER AGAIN. Sa month-long episode ng Spooky Nights Presents The Ring...Tone, na mapapanood simula sa Abril 30, balik-tambalan uli sina Aljur at Kris Bernal pagkatapos mag-guest ng young actress sa Machete.



0

