Dingdong Dantes on Regine Velasquez-Alcasid's rumored pregnancy: "Maganda na sa kanya na siguro manggaling."

Rose Garcia
Friday, July 29, 2011 @ 04:55PM  |  1005 views


  "Siyempre, naninibago sa umpisa. Pero ang suwabe lang ng ginawa nilang transition. Si Tonette kasi, si Regine, yung character niya, iba-iba palagi ang atake niya. So, tinitingnan ko siya in such a way na parang isa lang 'yan sa mga atake ni Regine. Pati makeup, paiba-iba palagi si Regine, 'O, ano naman 'yang makeup mo?'" says Dingdong Dantes about Iza Calzado's entry into I You Pare to replace Regine Velasquez-Alcasid.

Photo By: Noel Orsal













Walang sumasagot at tila walang alam ang cast ng primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare sa balitang buntis na si Regine Velasquez-Alcasid, at ito raw ang tunay na dahilan kung bakit bigla itong umalis sa show. Pinalitan ni Iza Calzado si Regine sa role nito bilang Tonette/Tonya.

Maging ang leading man ni Regine na si Dingdong Dantes ay tikom din ang bibig nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Maganda na sa kanya na siguro manggaling," nakangiting sagot ng aktor sa taping ng I You Pare noong Sabado, April 9, sa Boiler Room sa may Riverbanks Marikina.

Totoo bang dahil sa "severe migraine attacks" kaya umalis si Regine?

"Noong nandito siya, meron talaga," sagot ni Dingdong. "Mas lumala siguro kaya siguro mas pinili na lang niyang mag-rest. But I'm sure, may mas ibang dahilan 'yan at mas maganda na sa kanya na manggaling kung anuman yun."

WORKING WITH IZA. Bilang lead actor sa I You Pare, hindi itinanggi ni Dingdong na isa siya sa unang sinabihan sa magiging pagbabago sa show nila, partikular na ang pagpasok ni Iza sa role ni Regine.

"Sinabi nila sa akin noong tapos na, si Iza na. Pero sinabi rin nila sa akin na magkakaroon nga ng malaking move.

"Siyempre, bilang mga artista rito sa show, wala naman tayong magagawa na.  What we can do is really make the most of out the situation. And talagang kung ano ang natitira sa istorya," saad niya.

Kung noon ay nailang si Dingdong na kailangan niyang batukan at itulak-tulak si Regine, kay Iza naman daw ay nagawa niya ang mga ganoong eksena sa first scene pa lang nila together.

"Kanina nga, e, nagano'n ko si Iza. Baka nabigla siya. Nakalimutan ko siyang i-warn na medyo may mga ganoon pala. E, medyo napalakas. Sabi ko, 'Sorry, may mga ganoon nga!'" natatawa niyang kuwento.

Hindi ba siya naninibago kay Iza?

"Siyempre, naninibago sa umpisa. Pero ang suwabe lang ng ginawa nilang transition. Si Tonette kasi, si Regine, yung character niya, iba-iba palagi ang atake niya. So, tinitingnan ko siya in such a way na parang isa lang 'yan sa mga atake ni Regine. Pati makeup, paiba-iba palagi si Regine, 'O, ano naman 'yang makeup mo?'"

Hindi na raw ie-explain pa sa kuwento kung bakit nag-iba na ang hitsura ni Tonette.

Katuwiran ni Dingdong, "Para na lang siyang nag-iba ng makeup. The story will be the same. Wala kaming iibahin. Mas maganda na kasi yun.

"Siyempre, mature na rin ang audience natin. Ayaw rin naman naming gawin yun. Hindi porke't nagkaroon ng ganoong klaseng desisyon ay kailangan bibigyan namin sila ng ganoong klaseng palusot na naman sa istorya, na naaksidente, niretoke, which always happen, di ba?

1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name