Pokwang finally returns to noontime slot; joins Happy Yipee Yehey!

Rose Garcia
Tuesday, August 16, 2011 @ 07:22PM  |  1144 views


  "Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko," says Pokwang about joining the hosts of Happy Yipee Yehey!.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN













Naging bongga at masaya ang pag-welcome sa comedienne na si Pokwang bilang bagong dagdag na host sa ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey! kaninang hapon, May 7.

Sakay ng isang arko ay sumayaw si Pokwang ng '80s dance music na "Shake Body Dancer."

Sa pamamagitan nito ay muli niyang ipinadama sa mga manonood ang trademark niya, na unang nasilayan noon sa Wowowee na nagbibigay-aliw sa maraming manonood.

Dahil Mother's Day bukas, May 8, ay sinorpresa rin si Pokwang ng kanyang anak na si Rie Mae nang live itong bumati sa kanya sa show.

BACK TO NOONTIME. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Pokwang kaninang tanghali sa studio ng Happy Yipee Yehey!, sinabi nitong masayang-masaya siya sa naging pag-welcome sa kanya at sa pagbabalik niyang muli sa noontime show.

"Seryoso, masaya," nakangiti niyang sabi.

"Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko."

Hindi naman itinanggi ni Pokwang na noon pa sana siya makakasama sa Happy Yipee Yehey!.

Yun nga lang, kinailangan pa raw ayusin ang schedule niya, tulad ng movies at shows abroad na mga ginawa niya.

Hindi rin daw siya naapektuhan kahit naiintriga siya noon sa hindi niya pagkakasama nang unang umere ang Happy Yipee Yehey! noong February 12, 2011.

Ani Pokwang, "Hindi na. Hindi ko na lang inintindi.

"Nagpaka-busy na lang ako sa mga trabaho, sa trabaho ko abroad, at nagbilang ng blessings."

WORKING WITH BOSSING VIC. Sinasabi na kaya raw hindi siya naisama noong una sa Happy Yipee Yehey! ay dahil sa pelikulang ginawa nila ni Vic Sotto, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak!, na kasalukuyan pa ring palabas ngayon.

Baka raw kasi magkaroon ng conflict kung nagkataong magkatapat pa rin ang noontime shows nila, bilang si Vic ay isa sa mga hosts ng Eat Bulaga! sa GMA-7.

"Opo," kumpirma naman ni Pokwang.

1  2  3  Next »

Related Articles

30 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name