Hirap man sa naranasang shooting ng remake ng Temptation Island, masaya si Aljur Abrenica sa naging karanasan niya habang ginagawa ang kanyang mga eksena na kinunan pa sa Paoay, Ilocos Norte.
"Para talagang nasa desert kami," simula niyang kuwento nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Sobrang init at kahit naka-standby kami, may tent naman, pero minsan sa location namin, pagbaba namin mula sa 4x4, walang tent. So, talagang tutok kami sa init ng araw.
"Sa sobrang hirap, para talagang nasa disyerto talaga kami."
KISSING SCENE WITH HEART. Ang kapareha ni Aljur sa Temptation Island ay si Heart Evangelista.
Ibinalita ng young actor na nakunan na ang kissing scene nila ni Heart.
Nagtaka lang si Aljur sa balitang pinagsabihan daw siya ni Heart na huwag nitong ilabas ang kanyang dila habang kinukunan ang kanilang eksena.
Diin ng aktor, wala raw ganoong pangyayaring pinagsabihan siya ni Heart.
"Unang-una, di ba, bawal naman talaga ang dila sa telebisyon? Wala. Walang sinabing gano'n. Walang nanggaling kay Heart mismo na gano'n.
"Basta ang sabi lang niya sa akin is by character. Character kasi ni Heart, conservative, e. So, hindi siya masyadong ano.
"Ako yung atat dito. Kasi ako yung lalaking virgin. Parehas kaming virgin.
"Pero ang lalaking virgin, atat, e. So, ako yung medyo aggressive. Siya yung medyo reserved."
Sa pagkakatanda raw ni Aljur, ang sinabi sa kanya ni Heart ay itikom lang nito ang kanyang bibig sa kanilang kissing scene.
"Yun ang sinabi niya sa akin, itikom ko lang daw ang bibig ko.
"Pero sabi ko, 'No, Heart. Ikaw ang magtikom ng bibig. Ako yung medyo magbubukas dito kasi ako yung..."




0

