Iza Calzado will miss her "gayness" as  You Pare concludes on May 27

Nerisa Almo
Thursday, September 01, 2011 @ 06:19PM  |  689 views


"Hindi po talaga ako prim and proper. I know myself. Kalog talaga ako pero siguro hindi ko lang talaga naipapakita. Kasi, hindi talaga ako nabibigyan ng pagkakataon. I've been doing serious stuff since day one. So, dito siguro kahit papaano, nabigyan ako ng kaunting pagkakataon," says Iza Calzado about the opportunity of playing the role of Tonette in I ♥ You Pare, which will end on Friday, May 27.

Photo By: Noel Orsal













Isa sa mga hindi makakalimutang role ni Iza Calzado ang pagganap niya bilang Tonette sa comedy series na I ♥ You Pare, na magtatapos na sa darating na Biyernes, Mayo 27.

Ayon kay Iza, sa pamamagitan ng programang ito, naipakita niya kung gaano siya talaga kakalog sa totoong buhay.

"Hindi po talaga ako prim and proper," natatawang pahayag ng dalagang aktres nang makapanayam siya ng media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang thanksgiving Mass na inihanda para sa I ♥ You Pare kagabi, Mayo 20, sa Skyline Executive Lounge ng GMA-7 sa Quezon City.

Dagdag pa niya, "I know myself. Kalog talaga ako pero siguro hindi ko lang talaga naipapakita. Kasi, hindi talaga ako nabibigyan ng pagkakataon.

"I've been doing serious stuff since day one. So, dito siguro kahit papaano, nabigyan ako ng kaunting pagkakataon. Bakla talaga ako. There's a little bit of gayness in me, meron talaga, e."

Bukod dito, natutuwa din si Iza at siya ang napiling humalili kay Regine Velasquez, ang orihinal na gumanap bilang Tonette. Kinailangang magpaalam ng Asia's Songbird sa programa dahil sa kanyang maselan na pagbubuntis.

Para kay Iza isang pagsubok sa kanyang kakayahan bilang aktres ang karakter ni Tonette.

Kwento niya, "It was so much fun for me. And it was such a challenge kasi talagang nakakapagod.

"Like, sa pilikmata, umaabot na hindi ko na mabuksan ang mata ko kasi talagang mabigat siya.

"'Tapos nakakapagod especially kapag medyo late na, nakakapagod siya sa mata."

Agad naman daw napapawi ang pagod dahil sa kanyang mga kasama sa show.

"Kahit na gano'ng nakakapagod minsan nawawala sa isip mo dahil sa makukulit na drag queens sa set namin. 'Tapos si Direk Andoy mahilig din magbiro. Alam mo 'yon, parang ang gaan, magaan sa set," pahayag ni Iza.

Ngayong matatapos na ang I ♥ You Pare, ano naman ang mami-miss ni Iza?

Sagot niya, "Ako kasi, parang halfway through na ako [pumasok], e. Pero, kumbaga, napalapit na rin sa akin yung mga tao. Parang noong dumating ako talagang sunud-sunod na.

"Usually kapag nag-uumpisa pa lang, ano pa kayo. Pero mami-miss ko nga yong warehouse, yung Club Love, yung samahan ng mga tao, at mami-miss ko yung makeup. Pero hindi ko siya gagawin sa tunay na buhay."

ANDRES DE SAYA. Pagkatapos ng I ♥ You Pare, simula namang mapapanood sa weekly sitcom si Iza na Andres de Saya, na magsisimula sa Sabado, Mayo 28.

1  2  Next »

Related Articles

28 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name