Final week na ng romantic-comedy series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.
Last Friday, May 20, nagkaroon ng thanksgiving Mass sa 17th floor ng GMA Network Center na dinaluhan ng staff at cast ng show.
Pagkatapos ng Misa ay nagkaroon naman ng press conference para sa pagtatapos ng I ♥ You Pare.
Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang male lead ng serye na si Dingdong Dantes.
Nang tanungin kung ano ang ma-e-expect ng mga tao sa huling linggo ng I ♥ You Pare, nagbiro si Dingdong at sinabing, "Well, alamin nila kung ano talaga ang tunay na kasarian ni Kenneth!"
Si Kenneth ang character na ginagampanan ni Dingdong.
Pero sa seryosong usapan, ayon kay Dingdong, "breather" para sa kanya ang role niya sa I ♥ You Pare compared sa lahat ng dramatic roles na ginampanan niya noon.
Dagdag pa niya, "Hindi lang siya breather, I can say na pinakamasaya in the sense na masaya kasi yung scope ng material at na-translate siya mula noong umpisa hanggang dulo.
"Talagang makulay, masaya... everything."
Mami-miss nga raw ni Dingdong ang show.
"Mami-miss ko lahat, e. Particularly yung Club Love kunsaan parang isinabuhay ko na yung pagiging manager do'n dahil halos doon na ako tumira.
"Simula noong mag-start ako ng November, parang may sarili na akong lungga do'n.
"So, talagang nakaka-miss everything about it. Especially yung mga drag queens.
"Mukhang hahanap-hanapin ko sila kung saan sila pupunta!
"Talagang magagaling silang mag-perform, especially first time nila, pero ang galing!




0

