Wala pang masyadong maikuwento ang baguhang aktor na si Mikael Daez tungkol sa Amaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 17.
Hindi pa kasi siya nakakapag-taping para sa epicserye na ito ng GMA-7 nang humarap siya, kasama ng co-stars niyang sina Marian Rivera at Sid Lucero, sa pocket presscon na ipinatawag ng Kapuso network para sa kanila.
"The thing is, I haven't started taping yet. Maybe I'll [go] in a week or two, I'll be shooting third or fourth week," banggit niya.
Pero base sa mga naunang still photos mula sa Amaya, halos lahat ng male cast members ay bahag lamang ang suot.
Si Mikael ba ay ganun din ang isusuot sa actual taping?
"You know what, I had my pictorial, I think two weeks ago, sabi ko, 'Shit, bahag! Bahag 'to, nararamdaman ko!'
"Lahat naman, so okay lang sa akin... Girls nga, topless, di ba?
"I'm gonna complain pa ba, e, babae nga topless?"
Pero nagulat siya nang hindi bahag ang ipinasuot sa kanya sa pictorial.
"It's Aladdin style. I was like, 'Nice one!'" kuwento ni Mikael.
Kung sakaling pagsuotin din siya ng bahag, okay lang ba sa kanya?
"Yeah," mabilis niyang sagot.
"If I'm gonna be in bahag, I'm gonna be topless, you know what, everything for the betterment of the film, of the show, there's no malice in it.
"Walang malice at all, it's epic, historical, it's very true to form...
"I mean, researchers did an amazing job, so that's up to them and I respect their work.




0

