JM de Guzman set to launch debut album in July; wraps up shooting indie film for Cinemalaya

Rommel L. Gonzales
Tuesday, September 13, 2011 @ 08:25PM  |  631 views


JM de Guzman's debut album will be released in July under Ivory Music & Video. His favorite cut is his own composition, "Carried Away," which he wrote at the back of a Starbucks' receipt while walking on Katipunan Road. The song is special, "Kasi iyon yung para talagang nagulat ako e, hindi ko pinaghandaang sulatin, parang bigla na lang lumalabas yung words," he explains.

Photo By: Jocelyn Dimaculangan













Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si JM de Guzman sa pictorial niya para sa debut album niya under Ivory Music & Video.

Ginanap ang pictorial ni JM last May 24 sa DPI-XL Studio sa Makati.

Ang unang itinanong namin kay JM ay ang tungkol sa ilan sa mga kanta niya sa album niya na ire-release na by July. May mga covers kasi siya sa album na female artists ang original na kumanta, tulad ng "Kiss Me" (originally by Sixpence None The Richer), "Nothing Compares To You" (by Sinead O' Connor), "Bizarre Love Triangle" (originally by Frente), at "Pagdating Ng Panahon" (ni Aiza Seguerra).

Baka intrigahin siyang beki o bading...

"Dugong beki pero pambabae yung songs? Ang layo nun.

"Hindi... kung mapapansin ninyo, yung mga songs na... pambabae pero siyempre iniba na namin yung lyrics, tungkol na sa babae, hindi na tungkol sa lalaki," nakangiting paliwanag ni JM.

Ang iba pang nilalaman ng very first album niya ay ang "True" (originally by Ryan Cabrera), "Collide" (by Howie Day), "Out Of My League" (originally by Stephen Speaks), "Sa May Bintana" (originally by James Coronel ng Smokey Mountain), "Everybody Here Wants You" (originally by Jeff Buckley), "Yakap sa Dilim"  (ng APO Hiking Society), at ang dalawang original songs na si JM mismo ang nag-compose, ang "Give You The World" at "Carried Away."

Paborito niya among the songs ang "Carried Away."

"Yung kantang 'to sa resibo ko pa sinulat, e ..."

Resibo ng?

"Resibo ng Starbucks. Naglalakad ako sa Katipunan, sa mahabang [resibo], ganun."

HIDDEN TALENT. Paano siya nagsusulat habang naglalakad siya?

"Ah iyon ang isa ko pang talent. Seryoso, oo. Totoo yun, totoo, sa Katipunan."

At kaya raw espesyal sa kanya ang nasabing kanta ay dahil...

"Kasi iyon yung para talagang nagulat ako e, hindi ko pinaghandaang sulatin, parang bigla na lang lumalabas yung words."

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name