Obvious naman sa aura at kung paano magsalita ang aktres na si Angelu de Leon kung gaano siya kakuntento at kasaya ngayon sa buhay niya bilang maybahay at ina ng dalawa niyang anak.
Kasama si Angelu sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid, kunsaan ina ni Jackie Rice ang character na ginagampanan niya.
Wala naman daw problema sa kanya when she found out na mother ni Jackie ang role niya.
Aniya, "Naging mother na rin ako ni Kris Bernal sa Koreana, pero mas matanda si Jackie kay Kris.
"So, parang ano lang... Actually, sabi ko nga kanina, nai-offer din sa akin ang role ni Dimples Romana sa Mara Clara.
"Kaso, nauna 'to. Nauna sila."
Nagkaroon ba siya ng panghihinayang lalo pa't ang daming followers ng Mara Clara, na ipinapalabas sa ABS-CBN?
"Hindi," sagot ni Angelu.
"Sabi ko nga, hindi ako nanghinayang kasi parang sinabi ko... Ewan ko, siguro I always look at the brighter side of life.
"Hindi naman ako ingrata na ano ba ang gusto ko, masunod ang mga plans ko.
"Sabi ko nga, dalawa lang 'yan, e—it's just that I know I'm working not just for the money or for the fame, but I'm working for the passion of working.
"Kasi, parang iba, e.
"Ang ibinigay naman sa akin is the Sisid family.
"Ito nga yata I think is the most closest to my heart sa lahat ng ginawa ko.
"Because of the staff, everyone involved, para kaming one big happy family.




0

