Ex-couple Jennylyn Mercado and Patrick Garcia turn into friends for the sake of their son

Rommel Gonzales
Tuesday, September 13, 2011 @ 08:44PM  |  40 views


  Jennylyn Mercado and Patrick Garcia agreed to a photo shoot together with their son, Alex Jazz.   "Ang concept, happy family. Na kahit na hindi kami together ni Patrick at meron kaming kanya-kanyang mga buhay, pinipilit naming maging normal ang buhay namin na maging magulang para kay Jazz," says Jennylyn.

Photo By: Melo Balingit













Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama ang dating magkasintahan na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pati na ang kanilang anak na si Alex Jazz para sa isang family pictorial.

Ginawa ang pictorial para sa isang magazine.

Kuwento ni Jennylyn sa Showbiz Central, "Ang concept, happy family. Na kahit na hindi kami together ni Patrick at meron kaming kanya-kanyang mga buhay, pinipilit naming maging normal ang buhay namin na maging magulang para kay Jazz."

Pagpapatunay lang daw ito sa mabuti nilang pagkakaibigan ngayon ni Patrick sa kabila ng kanilang kakaibang setup.

Sabi pa ni Jennylyn, "Wala, kasi parati naman kaming nagkikita, e.

"Sa bahay pag sinusundo niya si Jazz, sa school...

"Nagkikita kami sa school, ganyan, so wala nang ilangan."

Ayon naman kay Patrick, "Okay naman, nag-uusap naman kami, wala namang problema, magkaibigan naman kami.

"Madalas ko nang nakakasama si Jazz ngayon.

"I always make it a point na almost every day nakikita ko siya."

Kasabay ng mga bagong intriga, ito rin ang unang pagkakataon na nakapagbigay-reaksiyon naman si Patrick sa makulay na lovelife ngayon ni Jennylyn.

Naging mapait ang breakup ng actress-singer kay Dennis Trillo, pero ngayon ay tila nagkakamabutihan na sila ni Luis Manzano.

Ayon kay Patrick, "Nabalitaan ko. Kung saan siya masaya, di susuportahan ko siya.

"Jen deserves to find the right guy for her.

"[My message] kay Jen, sa dami ng pinagdadaanan mo ngayon, sana makatagpo ka rin ng lalaking para sa 'yo.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name