Itinanggi ni Tom Rodriguez na nanliligaw siya kay Janet Jamora, ang twin sister ni Jinkee Pacquiao. Magkaibigan lang raw sila.
"Kami nina Duncan [Ramos, Janet's ex-BF], nung victory party ng laban ni [Manny] Pacquiao laban kay [Shane] Mosley, we were there. Magkasama kami ni Duncan, yung buong table nila.
"Kasi I was invited to sing karaoke with them one time, iyon," kuwento ni Tom nang nakausap ng PEP sa presscon ng Temptation Island, movie ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.
Dati na raw sila magkakila ni Janet through common friends.
"Napanood nila kami sa concert namin sa Boyzvoyz sa Music Museum one time, nanood sila dun and then sabi nga they'll invite us sa karaoke daw."
Pero hindi niya nililigawan?
"No."
Textmates sila?
"Dati nung sa Blackberry ko parang like they would invite sa karaoke singing, ganito.
"Ngayon madalang na, I don't have any contact [with Janet] anymore."
LIKE A BROTHER. Co-star ni Tom sa Temptation Island si John "Sweet" Lapus na naging vocal sa pagsasabing may malisya siyang nararamdaman para kay Tom.
"We're friends, we're friends."
Sa shooting ng movie nila (na showing ngayong July 6), sina Tom at Sweet ang roommates sa hotel na tinuluyan nila sa Ilocos Norte.
Ganun siya kakumportable na ang roommate niya ay isang bading, at rumarampa pa siya sa harap ni Sweet ng naka-red briefs lamang?
"First of all si Sweet, napaka-walang malisya, kasi yung turing niya sa akin, parang kapatid, kasi pareho kaming nasa Star Magic."




0

