John Lapus confirmed in cast of Hototay, but he's out of Shake, Rattle and Roll 13

Rommel L. Gonzales
Tuesday, October 04, 2011 @ 09:42PM  |  755 views


John Lapus explains the dish and the movie: "Hototay is a kind of a Japanese soup, na maraming sahog, so sa movie, Hototay means iba-ibang tao so parang ganun ang mangyayari. So it's an ensemble movie, hindi ko ito launching, hindi lang ako ang bida."

Photo By: Noel Orsal













Medyo tense si John "Sweet" Lapus nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, June 23, sa Imperial Palace Suites sa presscon ng Temptation Island, pelikula ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films na ipapalabas sa July 6.

Kakatapos lang kasi nilang mag-usap ng producer na si Mother Lily Monteverde nang umupo sa mesa namin para makipagtsikahan.

"Hindi ko alam kung sino nagsabi sa lola mo, akala niya siguro ang manager ko ay Viva [Films]. Sabi ko 'Mother, Star Magic ako.'

"Ang pinirmahan ko sa Viva ay two picture non-exclusive contract. Ang akala niya hindi ko na puwedeng gawin yung Hototay niya," pahayag ni Sweet.

Gaano katotoo na noong una ay ni hindi niya alam na kasama siya sa Hototay, ang entry ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival sa December?

"Hindi ko talaga alam. I was surprised!

"Kasi reporter yung unang nagsabi sa akin, may nag-congratulate sa akin sa entry ko daw sa MMFF.

"So, ako naman, in-assume ko Shake, Rattle & Roll, kasi iyon ang alam ko, at iyon ang alam ng Viva.

"Naka-stipulate sa contract ko yun, na ang Viva ang gagawa ng aking launching movie.

"Pero papayagan pa rin nila akong gawin ang part two ng Here Comes the Bride at ang SRR 13—na last SRR—kasi alam nila na pag SRR, kasama talaga ako.

"So, akala ko iyon yun. Pero nung nabasa ko yung text, Hototay!

"Kaya sa FaceBook, may status ako, 'Hototay?' May question mark na ganun. Na 'Ano yun?' Hindi ko talaga alam, hindi ko talaga alam.

"Na itong Regal, ipinasa pala yung pangalan ko. Ganyan, so clueless talaga ako."

Patuloy pa niya, "Managerial po ako sa Star Magic, pero wala po akong kontrata sa Star Magic.

"It's all verbal, but okay naman kami, e, mabait din naman sila kaya hindi ako umaalis, kahit walang kontrata.

1  2  3  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name