Diether Ocampo denies rumors that Kris Aquino gave him a watch worth P5 million

Demai Sunio-Granali
Monday, October 24, 2011 @ 08:42PM  |  821 views


  Sinagot ni Diether Ocampo ang tsismis na diumano'y pinadalhan siya ni Kris Aquino ng isang mamahaling relo para sa kanyang kaarawan noong July 19. Ayon kay Diet, mas nanaisin daw niya kung ang ireregalo sa kanya ay donasyon para sa K.I.D.S Foundation (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) imbes na kung anong mamahaling gamit.

Photo By: Noel Orsal













Nauna nang sinagot ni Diether Ocampo ang bali-balitang sinamahan daw siya ni Kris Aquino na maghanap ng mabibiling residential property sa Quezon City area. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa aktor, nagpasama siya sa kanyang dating co-star sa pelikulang Dalaw at "matalik" na kaibigan upang ma-refer siya sa mga kakilala nitong real estate brokers.

Sabi ni Diether, "We're very good friends. Wala akong nakikitang problema dun, e.

"I mean, in reality, ikaw ba kung meron kang kaibigan na sa tingin mo makakatulong sa pangangailangan mo, kakailanganin mo, di ba, sino'ng tatawagin mo?

"Nagkataon na siya yung nandoon... Wala naman kaming tinatago."

Lumabas din kamakailan ang isang blind item na diumano'y tumutukoy kay Kris Aquino na niregaluhan daw si Diet ng isang relo na nagkakahalaga ng five million pesos para sa kanyang birthday noong July 19.

Itinanggi ni Diether ang usap-usapang ito nang makausap siya ng press sa kanyang birthday presscon last July 14 sa Quezon City.

Tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Rey Pumaloy tungkol sa isyung ito.

Ani Diet, "Ewan ko, may relo bang pinadala?"

"Baka naman hindi ako yun, kayo talaga. Sino ba yun? Wala, wala. Wala akong natatanggap na gano'n."

Sinagot din ni Diether ang usap-usapan na siya raw ang tinutukoy ng tinaguriang Queen of All Media na diumano'y napupusuan niya ngunit naudlot dahil pareho raw silang busy.

"Tatanungin ko siya, ha, kung ako ba yun," sabi ni Diet.

"Hindi naman siguro. Sabihin na lang natin na mahirap mag-assume, di ba? Parang hindi naman tama na mag-a-assume ka, di ba?

"Basta sa 'kin, ang importante maliwanag sa 'kin na, di ba... Ang ano kasi, maganda nga yung naging simula namin at yung pinagdaanan namin.

"Kasi tingnan mo, siya rin nagkaroon ng sarili niyang experience, di ba, na pumasok din siya sa gano'ng sitwasyon. Ako din gano'n, may similarity."

1  2  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name