Nang pumutok ang balitang buntis diumano si Denise Laurel kung kaya't bigla itong nawala sa primetime series ng ABS-CBN na Kristine noon, naituro si Rafael Rossel na baka siya raw ang ama ng pinagbubuntis ng aktres.
Sina Rafael at Denise kasi ang magkapareha sa serye, na tinampukan din nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo.
Nananatiling tahimik ang kampo ni Denise kung totoo nga bang nagdadalantao ang aktres kaya bigla itong nawala sa sirkulasyon.
Napag-usapan na lang uli ang nasabing isyu nang maisulat kamakailan na isa raw professional basketball player ang ama ng dinadala ni Denise.
Ngunit wala pang kumpirmasyon tungkol sa balitang ito.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rafael, tinanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam niya ngayong hindi na siya ang itinuturong ama ng ipinagbubutis diumano ni Denise.
"During that time, wala akong kinumprima, wala akong sinabing oo o hindi, kasi hindi ko nakakausap si Denise," paliwanag ni Rafael.
"Unless nanggaling sa akin yung pinagtsitsismisan, hindi ako magko-confirm ng kahit ano kasi ayokong makihalo sa tsismis.
"Yung sinasabi ng iba na ako daw yung nakabuntis sa kanya, na may something sa amin, naiintindihan ko dahil ako yung partner niya sa TV.
"E, very intense yung mga eksena namin, so naiintindihan ko kung pinaghinalaan nila ako.
"Regarding that issue," patuloy ng aktor, "ako nanahimik lang ako, enjoy lang.
"Wala akong masasabi, hindi naman malaking issue 'yan in the first place.
"Kung ano ang gustong isipin ng mga tao, sa kanila yun, and now na na-clarify na rin, it gave them na answer na rin."
Ayon pa kay Rafael, kung sakaling malagay siya sa sitwasyon na nakabuntis siya, paninindigan niya ito at hindi itatago sa publiko.
"Oo, ako naman, I live life without regrets. I don't like hiding anything from the public.




0

