Una naming pinagtanungan ng location na aming pupuntahan ay isang tricycle driver. Mali ang kanyang itinurong direction.
Next ay guard sa gate ng isang subdivision (hindi ang pakay namin).
Tama ang kanyang sinabi. Pero, pagpasok namin sa loob ng itinurong subdivision ay wala pa halos mga bahay na nakatayo.
Medyo madilim. Nakakatakot ang paligid, actually. Bagay sa isang horror movie. We were visualizing an old house na medyo napabayaan na habang papasok kami.
Malamang kung ano ang nasa isip namin ay baka gano'n nga ang location ng pupuntahan naming set ng movie na Segunda Mano.
After all, horror movie naman talaga ang entry ng MJM Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.
Queen of Horror Films pa na si Kris Aquino ang bida. So, takutan na kung takutan, naisip namin.
Pero, ang nadatnan namin ay isang beautiful contemporary house na bagay sa role na architect na ginagampanan ni Dingdong Dantes, who plays Kris's husband in the movie.
EXCITED WITH KRIS AQUINO. After ilang takes, napagbigyan naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) to shoot a few questions sa mga bida.
First time daw ni Dingdong na gumanap na isang daddy sa pelikula.
First tandem din ito nina Kris at Dingdong.
"Yes, first time. The experience is so much more than watching her.
"Because I must say that I'm really amazed, because I'm a fan of the previous movies na nagawa niya.
"Pag sinabing horror [Kris Aquino], paborito ng marami," panimula ni Dingdong.
"When she's doing her character, parang nakikita ko na kung ano yung napapanood ko.




0

