Marian Rivera willing to work with Kris Aquino in horror flick

Elli Alipio
Tuesday, November 22, 2011 @ 08:03PM  |  6479 views


  Marian Rivera on the possibility of working with Kris Aquino in a movie: "So, siyempre, given the chance, maganda. Parehas kaming ano... iba namang istorya sa 'min. For sure, horror yun! Malay mo, ako yung multo. Ako yung mananakot sa kanya!"

Photo By: Allan Sancon













Mahaba-haba ang nilakbay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) patungong location ng 2011 Metro Manila Film Festival entry na Panday 2, kahapon, September 29.

May kalayuan ang lugar kaya medyo nagkaligaw-ligaw kami patungong Istana Farm Gate sa Tanay, Rizal, kung saan nagshu-shooting ang nasabing pelikula.

Mula ito sa direksiyon ni Mac Alejandre, starring Senator Ramon "Bong" Revilla, Iza Calzado, Marian Rivera, Phillip Salvador at iba pa.

Last shooting day na ni Marian Rivera para sa kanyang karakter sa Panday 2 bilang Arlana, kaya 'di namin sinayang ang pagkakataong dalawin ang set.

Nadatnan namin ang isang building, na pinaghirapan itayo para magmukhang pugad ni Lizardo, played by Phillip Salvador.

BAGONG KARAKTER SA PANDAY 2. Bagong mukha si Marian Rivera sa Panday 2.  Si Marian ang gumaganap na Arlana, love interest ng Panday na si Flavio, na ginagampanan naman ni Bong Revilla.

"Ako dito sa Arlana, ahm... bata pa lang si Flavio, sa maniwala kayo't sa hindi, magka-edad kami ni Flavio dito," simula ni Marian.

"So, bata pa lang siya, e, magkasama na kaming dalawa.

"Tapos, sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana," paliwanag ng aktres sa PEP.ph.

FIRST TIME WITH BONG. How was it working with Senator Bong Revilla?

"Oo, first time. Unexpected, palaging gano'n yung sinasabi ko.

"Kasi, minsan pumapasok ako sa isang trabaho na ayokong mag-expect.

"Gusto ko lang yung kahihinatnan. Kung ano yung mangyayari, yun lang yun. So, unexpected na...

"Hindi pala siya mahirap pakisamahan. Mabait siya, at lagi kong sinasabing hindi lang siya mabait sa akin, or sa ibang artista, pati na sa lahat ng cast," ang sabi ni Marian.

"Okay siya, palaging...'O, kumain ka na ba?' Lahat tinatanong niya. Lahat!

1  2  3  Next »

Related Articles

1082 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name