Rhian Ramos happy that Marian Rivera trusts her to be Dingdong Dantes's leading lady again

Ruben Marasigan
Tuesday, November 22, 2011 @ 08:13PM  |  3031 views


  "Happy ako to have that kind of trust. And gusto ko ring malaman niya [Marian], na ngayon na nandito sa akin yung trust niya, hindi ko ia-abuse iyon or anything," said Rhian Ramos when she learned it was okay with Marian Rivera that she be paired anew with her boyfriend.

Photo By: Jocelyn Dimaculangan













Kahapon, Sunday, September 11, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Rhian Ramos matapos ang kanyang appearance sa Party Pilipinas ng GMA-7. 

Unang napag-usapan ang tungkol sa hosting job niya for In The Limelight showbiz talk show sa GMA News TV 11 at pagiging isa sa co-host ni Manny Pacquiao sa Manny Many Prizes

May balita kasing baka mapilitan siyang i-give up ang isa sa mga ito dahil sa gagawin niyang bagong soap with Dingdong Dantes.

"Wala pa rin akong confirmation kung ano ang mangyayari sa schedule ko," aniya. 

"But they're trying naman na iayos lahat," referring sa mga taong namamalakad sa kanyang career 

"Kasi, sayang naman din. Kahit naman ako, ayoko na may mawala sa akin na show."

WHICH TO GIVE UP? Pero kung talagang kakailanganin na bitawan niya ang isa sa dalawang nabanggit na programa, alin ang pakakawalan niya at alin ang gugustuhin niyang i-retain?

"I'm not sure. Kasi, pareho siyang may perks. 

"Yung maganda sa Limelight, iyon lang yung show ko na nasa GMA News TV. 

"Parang nasa ibang light talaga ako. Yun ang puwede kong sabihing show na... sa news ako. Gano'n.

"So, ayoko namang mabawas iyon sa resumé ko or something!" medyo natawa niyang sabi."

Paliwanag pa ni Rhian, "Kasi parang feeling ko, magandang thing [credential] yun to have under my belt.

"Na, I do news. I can host, and then, umaarte at kumakanta. Yung gano'n. 

"As for Manny Many Prizes, maganda kasi yung live na interaction sa audience. You have to think on your toes talaga. 

"Natututo akong mag-adlib. At saka parang marami akong nata-touch na lives.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name