Nauna nang nabalita na inihabilin na ni Boy Abunda ang pamamahala ng kanyang talent management and production company na Backroom sa kanyang mga tauhan.
Dala raw ito ng pagkakaroon ng dementia ng kanyang pinakakamahal na ina. Nais daw kasi ng magaling na TV host na mas mapagbuhusan ng panahon ang kanyang Nanay Lesing.
Kasunod nito ang naging pahayag ni Kuya Boy na may isa sa tatlong shows niya ang kanyang bibitawan.
BYE SNN? Alin sa The Buzz, Bottomline and SNN ang kanyang iiwanan?
Maugong ang usap-usapan na ang huling nabanggit daw ang maaaring i-give up ni Kuya Boy at malamang mamaalam sa ere.
Kung iisipin, malamang ang SNN nga ang kanyang bitawan. Mas maraming panahon kasi ang nagugugol ng TV host dito considering na gabi-gabi ito during weekdays.
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Bianca Gonzales, Kuya Boy's co-host in SNN last night, August 31, sa ABS-CBN para tanungin kung nakarating na ba sa kanya ang nasabing balita.
"Siguro, better if Tito Boy will say it kasi parang I am not in the position to say anything about it.
"I can give more concrete answers if it will happen. Kasi, we're very proud of the show.
"If and why na dumating yung time na siyempre sana, hindi, then I can talk about it," sabi niya.
BIG PART OF ME. Aminado naman si Bianca na naging malaking bahagi na ng buhay niya ang SNN. Kung saka-sakaling matuloy nga ang sinasabing pagkawala nito sa ere, malulungkot daw siya.
"Oo naman. It was a hard adjustment kasi. Dati, over one year ago na.
"Kasi morning person ako talaga and mahirap talaga [magtrabaho] pag gabi.
"May mga nagtatanong nga sa akin, 'Live ba yun? Ha, ganun ka-late nagtatrabaho ka pa rin?'
"'Sabi ko, 'Oo, kaming lahat, ganun talaga.' Ngayon sanay na ako. Sobrang part na siya ng sistema ko.




0

