Malaking move ang ginawa ni Jake Cuenca na imbitahan si Lovi Poe sa Star Magic Ball sa September 3.
Kapamilya si Jake at Kapuso naman si Lovi. At ang Star Magic Ball ay isang taunang pagdiriwang ng talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.
"Kapuso? Wala naman akong nakikitang masama kasi," sabi ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Neighbor's Wife ng Regal Entertainment, Inc. sa Imperial Palace Suites kagabi, August 22.
First time yata na ang isang taga-GMA-7 ay dadalo sa isang event ng mga taga-ABS-CBN.
"Oo, first time. Ipinaalam ko, tapos excited rin naman sila," sabi ni Jake.
"Na-excite din naman sila na pupunta siya sa Star Magic Ball. So, ipinaalam ko kina Mr. M [Johnny Manahan], kina Tita Mariolle [Alberto]."
Ano ang sabi nila?
"Walang problema! Walang problema."
Bakit si Lovi?
"Okay kasi yung pinagsamahan namin sa movie. Sobra nga yung pinagsamahan namin sa movie.
"And yun, napagkukuwentuhan namin yung ball isang beses.
"Tinanong ko siya, 'Gusto mo bang pumunta? Wala rin naman akong date. Gusto mong ma-experience yung Star Magic Ball?'
"Sabi niya, 'Hindi ba nakakahiya?'
"Sabi ko, 'Hindi, okay lang 'yan. Ako'ng bahala sa 'yo.'
"Talagang aalagaan ko din naman siya dun."




0

