Isa si Carla Abellana sa limang ALV talents ng talent manager na si Arnold Vegafria na ini-launch bilang ambassador ng MSE (Marikina Shoe Exchange) para sa business side, o sa direct-selling aspect ng naturang brand.
Bukod dito, masaya raw si Carla na masasabing aktibo sa bawat aspeto ng career niya ngayon at may mga bagong proyektong ginagawa.
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla kagabi, September 5, sa naturang presscon sa Richmonde Hotel sa Eastwood, isa sa mga naitanong kay Carla ay ang ilang comments base sa mga nakapanood na ng trailer ng pelikulang My Neighbor's Wife.
Ibang-iba nga raw ang ipinakita ng cast sa movie, lalo na sa pagiging daring. Una na nga raw on her part na marami ang nagulat.
Pero ayon kay Carla, "Lahat naman kami, nag-stand out. Pantay-pantay.
"Honestly, kapag napanood ninyo ang movie, you wouldn't even say that it's sexy.
"Magugulat kayong lahat dahil marami kayong napapanood sa trailer na wala sa pelikula.
"Siyempre, hindi naman yun ang overall point ng movie.
"Siyempre, that's one thing na manu-notice sa movie, na sexy siya.
"But if you watch the movie, bukod doon, marami talaga siyang lesson and very tasteful ang pagkakagawa niya."
NOT FOR GEOFF? Ang boyfriend na si Geoff Eigenmann ay tila walang planong panoorin ang movie nila.
Pero depensa naman ni Carla, "Hindi naman sa wala siyang planong panoorin.
"It's just that he won't be here. He's leaving for the States on Thursday.
"Hindi pa naman niya napapanood at wala pa naman siyang reaction.
Dugtong pa ni Carla, "Alam naman niya na sexy ang tema.




0

