Marvin Agustin was kidding us kung napipilitan lang kaming lapitan at kausapin siya during the press launch of GMA-7's newest fantasy series Iglot held at the network's Studio 7 last Tuesday night, August 23.
Katatapos lang kasi silang i-present isa-isa bilang cast ng nasabing fantaserye at nakihalo na ang ibang mga artista among press people.
Siya naman, tapos nang interbyuhin ng ilang kasama sa panulat at nakikipagkwentuhan na lang.
Nasamid pa siya habang umiinom bago nagsimula ang aming usapan na twice pang natigil dahil may nakiki-picture na staff and fans sa kanya.
"Mukha ba akong excited?" bungad niya. Sa bago niyang TV project ang ibig niyang sabihin.
"Kasi drama, e," sagot niya sa kanyang tanong.
Mas komportable nga raw kasi si Marvin sa drama na kilala naman talaga sa husay niya sa pag-arte.
ACTING WITH CLAUDINE. Natutuwa rin daw ang actor-businessman na makatambal si Claudine Barretto, na ayon sa kanya ay ngayon lang sila magsasama sa isang full-length drama series.
Nagkasama na raw sila noon sa ABS-CBN, pero sa isang episode lang ng Star Drama Presents Claudine. Nagkasama rin sila sa Flames: The Movie, pero magkaiba sila ng episode sa nasabing trilogy movie.
"Masarap kaeksena si Claudine," patuloy ni Marvin.
"Masarap kasi hinuhugot mo sa kanya. Hinuhugot mo sa acting niya. Nakakahawa."
Wala nga raw silang problema sa set ayon pa sa kanya.
"Okay kami. Okay si Claudine. Magaan yung set namin. Okay."
MY JOLENS. Yung sa kanila naman ni Jolina Magdangal na kanyang ka-loveteam, may eksena kasi sila na "lasing" ang actress-singer at todo-yakap at halik sa kanya.
"Parang ang tagal niyang inipon ano? Feeling ko nga talaga, 'na-motivate tong batang 'to.'




0

