Maraming mga isyu ang sinagot ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa muli niyang pagharap sa press.
Naganap ito sa press launch nila ni Gerald Anderson bilang endorsers ng Globe Prepaid na ginanap kaninang tanghali, August 11, sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinalita ni Sarah na tuloy na tuloy na ang follow-up movie nila ni Gerald sa Star Cinema.
Pero wala pa lang siyang maibigay na detalye dahil kasalukuyan pa raw pinaplantsa ang movie project.
Nailang lang si Sarah sa mga tanong na humahantong sa posibilidad ng pagkakaroon nila ng romantic understanding nila ni Gerald, lalo't magiging madalas ang pagsasama nila para sa promo ng Globe Prepaid at sa gagawin nilang movie.
Pakiusap ni Sarah na huwag sana silang pilitin ni Gerald. Maganda raw ang samahan at pagkakaibigan nila ngayon.
Hindi nasagot nang diretso ni Sarah kung madalas ba siyang kumustahin ni Gerald sa text noong nasa U.S. siya. Ang rason pala ay hindi pa alam ng young actor ang kanyang mobile number.
Nangako naman si Sarah na ibibigay niya ang number niya kapag hiningi ito ni Gerald.
NORA AUNOR. Nagpakita rin ng excitement si Sarah sa nalamang balita na may posibilidad na gumawa sila ng movie ng Superstar na si Nora Aunor na ipu-produce ng Viva Films.
"Siyempre, dream come true po yun if ever na matuloy talaga na makatrabaho ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.
"Hopeful po ako na matuloy yun," saad niya.
Nabanggit ni Sarah na nagkita sila ni Nora sa L.A. nang ipakilala siya rito ng asawa ng immigrant attorney na si Michael Garfinkel.
Hindi na dinetalye ni Sarah kung paano at kailan sila nagkakilala ni La Aunor.
Pero kuwento niya, "Noong una ko siyang nakita, na-starstruck talaga ako. Bati ko sa kanya, 'Hello po.'
"Nabigyan ako ng chance na makapagpa-picture sa kanya.




0

