Cesar Montano laughs off rumor linking him to Rachelle Ann Go

Gorgy Rula
Wednesday, December 14, 2011 @ 05:23PM  |  1346 views


  "Actually, bago pa lumabas 'yan, nung hinahawakan ko 'yan [Rachelle Ann Go], inaalalayan ko siya, sabi ko nga, ako, kasi masyado akong prone sa ganyan, e. Hindi ako inisipan na parang walang malisya, kasi kapag may makitang kasama akong babae, 'Ayan si Cesar Montano may kasamang babae, baka sila na,'" says Cesar on the rumor linking him to Rachelle.

Photo By: Gorgy Rula













Pinagtawanan na lang ni Cesar Montano ang intriga tungkol sa kanila ni Rachelle Ann Go.

Nagsimula ito sa blind item tungkol sa isang magaling na aktor at female singer—na kabi-break lang daw sa kanyang kasintahan—na nakitang sweet sa isa't isa mula pa lang sa eroplanong sinakyan nila hanggang sa Vancouver, Canada na dinaluhan nila para sa isang event ng GMA Pinoy TV.

Nagsimula nang kumalat ang intrigang ito na ang tinutukoy ay sina Cesar at Rachelle Ann.

Napilitang sagutin ito ni Cesar nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Enchanted Kingdom kaninang hapon, August 7, na kung saan nag-story telling ito sa mga bata ng kuwento ng buhay ni Dr. Jose Rizal.

Ayon kay Cesar; "Unang-una, it has to be [made] clear na it was an event in Vancouver of GMA PinoyTV.

"Pumunta kami ni Rachelle... Kahit saan magpunta, magkasama kami lagi ni Rachelle promoting it, lahat ng pictures magkasama kami.

"Of course, it will attract speculation; inaasahan ko na yun, at naisulat nga ni Mr. Ricky Lo.

"Pero you know, if I don't hold her hand, kung siya naglalakad o may gagawin, parang hindi naman ako gentleman nun.

"Kaya nga ako, e, sabi ko, wala na akong choice nito. Naku-korner na sa sitwasyon na ito kaya kailangan alalayan ko ito, dahil siyempre, siya lang ang nag-iisang babaeng kasama ko, e," patuloy na paglalahad ng aktor.

Nakarating na nga raw ang intrigang ito sa asawa niyang si Sunshine Cruz na ipinagkibit-balikat na lamang daw nito.

"Si Sunshine, tapos na siya sa mga ganitong ano. Parang graduate na siya sa mga ganitong level. Alam na niya 'yan.

"Sabi nga niya, e, kung kasama siya dun, hindi mangyayari yun. Kaya sabi niya, next time lagi na akong sasama.

"My goodness! Wala talaga akong malisya diyan na kahit gustuhin ko man, hindi pupuwede po!" bulalas pa ni Cesar.

Nag-usap na rin daw sila ni Rachelle Ann tingkol sa mga ganitong intriga at pinagtawanan na lang daw nilang dalawa.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Naku, pasensiya ka na.'

1  2  3  Next »

Related Articles

47 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name