Labis na ikinatuwa ni Governor Vilma Santos na maraming Batangueño ang nakiisa sa pinangunahan niyang Alay Lakad kahapon sa Batangas City.
Hindi lang basta sumamang naglakad ang mga delegates mula sa iba't-ibang bayan sa buong lalawigan, kundi nagbigay rin ang mga ito ng kanilang donasyon bilang ambag sa karagdagang pondong kailangan para sa scholarship ng libu-libong estudyanteng pinag-aaral ng kapitolyo.
Bukod sa 300 thousand pesos na donasyon mula sa provincial government, si Governor Vi at ang asawang si Senator Ralph Recto ay nagbigay rin ng tig-100 thousand pesos na donasyon.
Fifty thousand pesos naman mula sa anak niyang si Luis Manzano, habang ang naimbitahang guest speaker na si Sarangani Congressman Manny Pacquiao, 100 thousand pesos sana ang ibibigay pero ginawa nitong 200 thousand pesos nang naglambing ng "more" ang mga naroong Batangueno.
Natanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi kung ano ang kanyang naging pakiramdam na talagang nagbigay ng panahon ang Pambansang Kamao para makapunta roon sa Batangas.
"Definitely karangalan ng Batangas iyon," aniya.
"Ang Sangguniang Lalawigan nga, naglabas ng resolution na adopted son siya ng Batangas. And under my administration, ito 'yong first time na dumalaw siya rito na ako ang Governor.
"At ang maganda pa, 'yong dalaw niya ay very meaningful.
"Malaking plus factor iyon para sa purpose ng aming Alay Lakad kahit 'yon lang presence niya.
"E... nag-donate pa. Kaya naman sabi ko sa kanya... kapag ako naman ang kinailangan niya sa Sarangani, anytime."
Hindi naman daw sila nahirapan na imbitahin si Pacman.
"He is also close to Vice Governor [Mark Leviste]. He is also close to my son, Lucky.
"Palagay ko, no'ng nalaman niya na Alay Lakad iyon and may purpose, hindi siya nagpahirap ng imbitasyon.
"Alam naman natin na may puso talaga para sa masang Pilipino si Manny. Every time na may laban siya, iniaalay niya sa mga Pilipino. At saka namimigay siya ng suporta sa kanyang lalawigan.
"Tapos ngayon meron pa siyang show na namimigay siya ulit. 'Yong medyo excess sa kanyang kayamanan o perang pinaghirapan, at least kitang-kita natin na isini-share niya."




0

